Kababaihan

Pamilya ni Laude, grupong Gabriela nagprotesta malapit sa USS Peleliu


Sumugod ang grupong pangkababaihan ng Gabriela at iba pang progresibong grupo, kasama ang kaanak ni Jennifer Laude, para ibigay ang subpoena laban kay US Marine Sgt. Scott Pemberton na pinaghihinalaan pumatay kay Laude. Pero nabigo sila na makatuntong sa barko dahil sa harang na barbed wire at concrete block na inilagay ng mga tauhan ng […]

Nakalapit ilang metro lamang ang mga progresibong grupo sa USS Peleliu at nakapagsagawa ng protesta laban sa Amerikanong pumatay sa isang transgender sa Olongapo City. Macky Macaspac
Nakalapit ilang metro lamang ang progresibong mga grupo sa USS Peleliu at nakapagsagawa ng protesta laban sa Amerikanong pumatay sa isang transgender sa Olongapo City. Macky Macaspac

Sumugod ang grupong pangkababaihan ng Gabriela at iba pang progresibong grupo, kasama ang kaanak ni Jennifer Laude, para ibigay ang subpoena laban kay US Marine Sgt. Scott Pemberton na pinaghihinalaan pumatay kay Laude.

Pero nabigo sila na makatuntong sa barko dahil sa harang na barbed wire at concrete block na inilagay ng mga tauhan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

“Nais naming makita nang personal si Pemberton para mapatunayan na nandiyan pa nga siya sa loob ng barko. Nais din namin na ibigay sa kanya ang supboena at sabihin na nagsaampa na kami ng kaso sa pagpatay niya sa kapatid ko,” ani Marilou Laude, kapatid ni Jennifer.

Galit naman na sinabi ng ina ni Laude na si Julieta na mistulang pinoproteksiyunan pa ng mga taga-SBMA ang Amerikano dahil sa mga harang.

“Lumalabas na itinatago nila at hindi ako papayg na hindi niya harapin ang ginawa niya dito sa Pilipinas,” ani Julieta. “Kami na ang nag-agrabiyado, kami pa ngayon ang walang karapatan.”

Kasamang sumugod sa SBMA ang ina ni Jennifer Laude. Macky Macaspac
Kasamang sumugod sa SBMA ang ina ni Jennifer Laude. Macky Macaspac

Hiniling din ng kaanak na agarang umaksiyon si Pangulong Aquino sa kaso nang huwag na maulit pa sa iba ang naganap sa kanilang kaanak.

Pero sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na magkahiwalay na usapin daw ang pagkamit ng hustisya at ang usapin ng Visiting Forces Agreement (VFA). Pinapalabo raw ng mga sumusuporta sa biktima ang usapin sa pagkawing ng mga ito sa VFA.

Ganito rin ang pananaw ng alkalde ng Olongapo na si Rolen Paulino na nagsabing hindi dapat ibasura ang VFA dahil nakasalalay daw ang kabuhayan ng mga taga-Olongapo sa kasunduan.

“Hindi dapat i-junk ang VFA, eh tingnan ninyo puro junk ang nakalagay diyan,” sabi ni Rolen, patungkol sa mga nagpoprotesta.

Sabi niya, kailangan lang daw amyendahan ang kasunduan. Igiit din ni Paulino na malaking tulong ang pagdaong ng mga barkong Amerikano sa lokal na ekonomiya ng Olongapo at hindi rin daw laganap ang prostitusyon sa kanilang lugar.

Pero sinagot ito ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus, na nagsabing malinaw ang koneksiyon ng pagdating ng mga tropang Kano at paglaganap ng prostitusyon at pang-aabuso sa kababaihan.

“Malaki ang nawawala sa kanila sa araw-araw na pagtigil niyan dito (USS Peleliu), nagbabayad naman sila sa amin ng port fee, ” ani Paulino sa mga mamamahayag.

Ngunit para sa grupong Gabriela, katumbas na rin ng prostitusyon ang rest and recreation ng mga tropang Amerikano sa tuwing sila’y nagsasagawa ng pagsasanay o nakadaong sa alinmang lugar sa Pilipinas. Sabi ni Gabriela Women’s Partylist Rep Emmi de Jesus may iba pa raw na paraan ng pagbuhay sa ekonomiya ng lugar na hindi nakasalalay sa kasunduang militar ng Estados Unidos at nang Pilipinas.

“Nakakalungkot na ang sinasabi nilang kabuhayan dito ay industriya ng entertainment na hindi produktibo at pang-matagalan,” aniya. Nagsisilbi pa nga daw ito para malabag ang karapatan ng mga kababaihan at magdala sa mga ito sa karahasan.

Iginiit ng grupong Gabriela na ilipat sa Pilipinas ang kustodiya ng suspek na si Pemberton. Macky Macaspac
Iginiit ng grupong Gabriela na ilipat sa Pilipinas ang kustodiya ng suspek na si Pemberton. Macky Macaspac

Iginiit ni Paulino na wala o hindi nila itinataguyod ang sex tourism sa lugar, “Hindi totoo na may sex tourism dito, kahit saang lugar naman may prostitusyon di ba?,” aniya.

Pero panawagan pa rin ng grupong Gabriela na ibasura na ang kasunduang VFA at Enhanced Defense Cooperation Agreemen (Edca), sabi ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela na kapag ordinaryong Pilipino ang naakusahan kahit man lang mababang kaso, inaaresto at ikinukulong hanggang sa mabulok sa bilangguan samantalang ang mga sundalong Amerikano na nakakagawa ng paglabag pinapatakas pa daw ng gobyerno. “Hindi magalaw ang mga tropang Amerikano basta inilabas na nila ang prebilihiyo nilang VFA na sinusuportahan ng Edca ni Aquino,” aniya.

Natakdang humarap sa korte para sa preliminary investigation si Pemberton sa Oktubre 21.

 

Ilang larawan ng protesta:

Kuha ni <strong>Macky Macaspac</strong>
Kuha ni Macky Macaspac
Kuha ni <strong>Macky Macaspac</strong>
Kuha ni Macky Macaspac
"Bawal pumasok dito." <strong>Macky Macaspac</strong>
“Bawal pumasok dito.” Macky Macaspac
Gabriela Rep. Emmi de Jesus <strong>Macky Macaspac</strong>
Gabriela Rep. Emmi de Jesus Macky Macaspac

 

 

Ilang tropag Amerikano ang nagmamasid sa mga nagpo-protesta mula sa barkong USS Peleliu. Macky Macaspac
Ilang tropag Amerikano ang nagmamasid sa mga nagpoprotesta mula sa barkong USS Peleliu. Macky Macaspac
Humarap sa mga nagpo-protesta si Mayor Paulino ng Olongapo t nakipagdiyalog kay GWP rep. emmi de Jesus. Macky Macaspac
Humarap sa mga nagpo-protesta si Mayor Paulino ng Olongapo at nakipagdiyalog kay GWP Rep. Emmi de Jesus. Macky Macaspac
Isinabit na lamang  sa barbed wire ng mga kaanak ni Laude ang subpoena para kay Pemberton. Macky Macaspac
Isinabit na lamang sa barbed wire ng mga kaanak ni Laude ang subpoena para kay Pemberton. Macky Macaspac