#HLMX LIVE COVERAGE | Sampung taong inhustisya sa #HaciendaLuisita
Panoorin: Live Stream ng protesta-paggunita ng 10 taon ng pakikibaka sa Hacienda Luisita Ngayong Nobyembre 16, 2014, sampung taon na mula nang mangyari ang masaker sa Hacienda Luisita. Marami na ang nangyari mula noon. Umigting ang panunupil, nagpatuloy ang pamamaslang. Nagtagumpay ang mga magsasaka sa legal na laban sa Korte Suprema. Pero hindi ito maayos […]
Ngayong Nobyembre 16, 2014, sampung taon na mula nang mangyari ang masaker sa Hacienda Luisita. Marami na ang nangyari mula noon. Umigting ang panunupil, nagpatuloy ang pamamaslang. Nagtagumpay ang mga magsasaka sa legal na laban sa Korte Suprema. Pero hindi ito maayos na ipinatupad ng gobyerno, at lalong di sinusunod ng pamilyang Cojuangco-Aquino.
Kinakaharap ngayon ng mga magsasaka sa 6,435 ektaryang asyenda ang patuloy na pang-aagaw ng pamilya ni Pangulong Aquino sa mga lupaing pinagtatamnan at pinayayaman na ng mga magsasaka. Pero di rin napatid ang paglaban ng mga magsasaka. Sa ika-sampung taon, ipinapamalas nila ang pagkakaisa at pagpapatuloy ng paggiit sa karapatan. Pakinggan natin sila.
Ito ang espesyal na coverage ng Pinoy Weekly Online sa dalawang-araw na paggunita at pagprotesta ng mga residente at magsasaka ng Hacienda Luisita, kasama ang mga tagasuporta nila, sa sampung taon ng pakikibaka. Sundan ang aming updates sa social media: Twitter at Facebook, at sa pahinang ito.