Kababaihan

Larawan | Araw ng pagkilala sa karapatan ng transgenders, ginunita


Ginunita ng mga miyembro ng komunidad ng Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgeder (LGBT) ang pandaigdigang Transgender Day of Remembrance sa UP Diliman, kasabay ng ika-40 araw ng pagkamatay ni Jennifer Laude na pinaghihinalaang pinaslang ni US Marine Joseph Scott Pemberton

Macky Macaspac
Ginunita ng mga miyembro ng komunidad ng Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgeder (LGBT) ang pandaigdigang Transgender Day of Remembrance sa UP Diliman, kasabay ng ika-40 araw ng pagkamatay ni Jennifer Laude na pinaghihinalaang pinaslang ni US Marine Joseph Scott Pemberton. Macky Macaspac
Macky Macaspac
Kinondena ng ProGay Philippines ang diumano’y pagsasawalang-bahala ng gobyerno sa lumalaganap na hate crimes at diskriminasyon sa hanay ng komunidad ng LGBT.  Sabi ni Jefferson Laude, kamag-anak ng napaslang na transgender na si Jennifer: “Sa araw na ito ng Transgender Day of Remembrance, patuloy na nagluluksa ang ProGay sa brutal na pagpaslang sa aking tiyahin na si Jennifer.  Tumatangis kami sa mga insulto na ipinupukol sa kanyang ala-ala at pinalala pa ng pagkamanhid ng rehimeng Aquino para sa kagalingan ng LGBT,” aniya. Macky Macaspac
Macky Macaspac
Iginiit ng ProGay ang panawagang pagbabasura sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA at Visiting Forces Agreement o VFA para daw hindi na maulit ang mga insidenteng tulad ng pagpatay kay Laude. Macky Macaspac