Manggagawa

Mga obrero ng Wyeth Philippines na nais maging regular, tinanggal sa trabaho


Nagprotesta ang mga manggagawa ng Wyeth Philippines sa harapan ng punong tanggapan nito sa Makati kahapon para iprotesta ang hindi raw makatarungang pagtanggal sa kanila ng nasabing kompanya. Sa pahayag Samahan ng mga Manggagawang Kontraktuwal (Sama-Ako), walumpu’t pitong (87) manggagawang kontraktuwal ang basta na lamang tinanggal ng kompanya. Karamihan sa mga manggagawa ang nakadestino sa […]

Panawagan ng mga manggagawa ng Wyeth Philippines na maibalik sila sa kanilang trabaho. Darius Galang
Sa halip na gawing regular, pinagtatangal ang b7 manggagawa ng Wyeth Philippines. Darius Galang

Nagprotesta ang mga manggagawa ng Wyeth Philippines sa harapan ng punong tanggapan nito sa Makati kahapon para iprotesta ang hindi raw makatarungang pagtanggal sa kanila ng nasabing kompanya.

Sa pahayag Samahan ng mga Manggagawang Kontraktuwal (Sama-Ako), walumpu’t pitong (87) manggagawang kontraktuwal ang basta na lamang tinanggal ng kompanya. Karamihan sa mga manggagawa ang nakadestino sa planta ng kompanya sa Canlubang, Laguna.

“Ang gumagawa ng gatas na nakakabuhay ay siya ring pumapatay sa aming pamilya,” sabi ni Jhondel Estabaya, tagapangulo ng Sama-Ako, Wyeth chapter.  Kasama si Estabaya sa 87 manggagawang tinanggal noong Mayo 12, 2014.

Sabi ni Estabaya, malinaw daw ang dahilan ng kanilang pagkakatanggal; una, ang paghapag nila ng petisyon para maging regular sila, at ikalawa, miyembro sila ng Sama-Ako. Dagdag pa niya,tinanggal pa rin sila kahit ilang taon na ang binilang ang serbisyo nila sa naturang kompanya  Si Estabaya mismo, nanilbihan ng samping taon at anim na buwan.

“Ang pinakamatagal umabot na sa 18-taong serbisyo,” aniya.

Sa pagtingin nila, gustong pag-banggain ng kumpanya ang mga regular at kontraktuwal para  maitago ang pangkalahatang atake nito sa mga manggagagawa ng kumpanya

Ayon sa grupo, nagsimula daw ang serye ng mass termination nang maging subsidiary ang Wyeth Philippines ng Nestle S.A, matapos makuha ng Nestle Global ang Pfizer Nutrition, napabilang na din ang ang Wyeth Nutrition, simula noong Disyembre 2012.

Ang hinala nila,hindi na kayang arugain (cannot put up with) ng bagong manedsment  ang mga matagal-nang-naninilbihan na kontraktuwal

Manggagawang nagprotesta sa harapan ng Wyeth Philippines sa Makati. Darius Galang
Manggagawang nagprotesta sa harapan ng Wyeth Philippines sa Makati. Darius Galang

ng Wyeth bago pa dumating ang panahon ng contempo (contractual-temporary employees) audit.

“Natunugan namin na my malawakang tanggalan sa hanay ng mga kontraktuwal gawa dun sa contempo audit,” ani Estabaya.

Isinagawa ng Department of  Labor and Employment (Dole) ang audit nito lamang Setyembre. “Kaya bago pa iyon, nagsimula na kaming magbuo ng unyon,” sabi ni Estabaya.

“Hindi na ito pinayagan pang umandar ng manedsment. Inisa-isa na niya kaming pinagtatanggal sa trabaho, umpisa pa lamang ng unyon, dinurog na kami.”

Iginiit pa ni Estabaya na walang ginawang paglabag ang kanyang grupo sa anumang patakaran ng kumpanya at hindi rin nila pinilay ang produksiyon ng planta.. “Isinasagawa po namin ang aming mga pulong sa panahon na wala kaming pasok, kapag rest-day para hindi po namin maapektuhan ang takbo ng produksiyon,” aniya.

Bilang manggagawa sa isang pinakamalaking kumpanya ng gatas, malaki ang kanilang tungkulin kahit sila’y mga kontraktuwal. Sila ang  nakatalaga sa “sanitation” ng pabrika.

“May mga trabaho kami na direkta sa produkto, maging sa paglilinis ng sahig, at equipment na dinadaanan ng gatas. Kung hindi po namin lilinisin iyon ng maayos, magkakaroon po ng contamination na makakaapekto sa kalusugan ng mga baby,” paliwanag ni Estabaya.

“Kami po ay may mga pamilya rin, bilang isang ama na may dalawang-taon na anak pa lamang, at produkto po ng Wyeth ang kanilang gamit.

Ang kaso nga po, imbes na makaiinom po ng gatas, hindi na, dahil tinanggalan na kami ng tabaho,”

Sinabi naman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na ang patakarang kontraktuwalisasyon ang nakakadagdag sa paglala ng kahirapan at kagutuman sa bansa.

“Karamihan sa iilan-na-lamang na trabaho ay nagbibigay ng di-nakabubuhay na sahod, hindi nagbibigay ng benepisyo, at inaalis pa ang job security ng mga manggagawa. Dahil dito, nahihirapan sila na ipaglaban ang mas mataas na sahod at benepisyo,” pahayag ng KMU.

Sabi pa ng KMU, na nakakatawa daw na ang isang kumpanya ng mga sikat na produktong pangkalusugan ng mga bata  ang siya ngayong naglalagay sa mga manggagawa sa balag ng alanganin.

Sa kasalukuyan, naisampa na ng mga manggagawa ang isang kaso sa National Labor Relation Commission (NLRC) laban sa kumpanya. “Hangga’t patuloy kaming binabalewala ng manedsment, patuloy at patuloy kaming magsasagawa ng protesta,” pagtatapos ni Estabaya.