Migrante Pluma at Papel

Para Kay Rajima Jamal


Dahil sa sunud-sunod na mga balita tungkol sa nakahahabag at nakasusulak ng dugong mga karanasan ng mga OFW o migranteng Pilipinong mga manggagawa — mulang pang-aabusong seksuwal, pambubugbog, pagtratong parang mga hayop hanggang sa kung anu-ano pang mga kalupitan mula sa kamay ng kanilang mga amo sa bansang napilitang puntahan dahil sa kawalan ng oportunidad […]

Dahil sa sunud-sunod na mga balita tungkol sa nakahahabag at nakasusulak ng dugong mga karanasan ng mga OFW o migranteng Pilipinong mga manggagawa — mulang pang-aabusong seksuwal, pambubugbog, pagtratong parang mga hayop hanggang sa kung anu-ano pang mga kalupitan mula sa kamay ng kanilang mga amo sa bansang napilitang puntahan dahil sa kawalan ng oportunidad sa sariling bayan — biglang sumalakay sa aming gunita si Rajima Jamal, 19, isang taga-Mindanaw na namasukang kasambahay noon sa United Arab Emirates. Minabuti naming ilathala rito ang isa naming piyesang handog sa kanyang alaala. Binasa ito ni Yuri Cipriano, bise-presidente ng Migrante-United Arab Emirates, noong Abril 16, 2010 sa kanilang pangkalahatang asamblea sa Samaya Hotel, Deira, Dubai.

RAJIMA JAMAL, 19

kalansay na nakatingala sa langit
ang punong kabalyero
wala ang naglalagablab na mga bulaklak
berde pa iyon noong enero
pero ngayo’y tinakasan ng mga dahon
hinipan at itinaboy sa naninilaw na damuhan
ng nilalagnat na marso at abril
di na makikita ni rajima jamal
muling paghihilamos ng dugo
ng punong kabalyero
di na maririnig musika ng dasal
sa bawat takipsilim
sa lupang binaog ng pambubusabos
di na malalasap lamukot ng durian
at tamis-asim ng pinya’t dalandan.

tatlong buwan nang nasa morge
sa ospital ng saif-obaidullah
sa ras al-khaimah
ang bangkay ni rajima jamal
labingsiyam na taong gulang
nang lagutan ng buhay
matapos alilain ni mohammad sala sultan
labis na napinsala ang ulo
namuo ang dugo sa nabasag na bungo
di malaman kung binambo ng amo
o ilang ulit na iniuntog sa semento
dahil tumangging maging kabayo.

tatlong buwan nang nasa morge
sa ospital ng saif-obaidullah
sa ras al-khaimah
ang bangkay ni rajima
di maiuwi sa mindanaw
maiyakap man lamang
sa kalansay ng punong kabalyero
mabenditahan man lamang
ng sampagita’t ilang-ilang
maalayan man lamang
ng galyetas at biskotso
bago ihatid sa huling hantungan
sa gubat ng amarillo’t cadena de amor
ng makahiya, kugon at damong-ligaw.

nakahimlay pa rin sa morge si rajima
mahimbing namang natutulog
buratserong konsul na pilipino
katalik sa pangarap birhen ng antipolo
sa palasyo naman ng mga indio
ngiting-aso ang unano
nilalaro sa isip pagkapit-tuko sa puwesto
sino ba si rajima jamal?
alila lamang mula sa mindanaw
di naman anak ng dugong bughaw
o apo man lamang ng “mararangal” sa gobyerno
bakit pasasakitin ang bumbunan
di man maiuwi ang kanyang bangkay?
bumulwak sana ang habag sa puso ng emir
ni sheik saqr bin mohammad al-qassimi
baka siya na lamang ang pag-asa
upang makauwi sa wakas si rajima
sa la tierra pobreza.

ilan na ba ang rajima jamal
na ikinalat na parang layak
ng buhawi ng dalita’t inhustisya
nandayuhan saanmang sulok ng planeta
makatakas lamang sa bartolina
ng mga pangarap sa tierra pobreza?
nagdurugo tuloy ang utak ko
tuwing lumalangoy sa mga ugat nito
lahat ng rajima jamal sa mundo
nag-aalimpuyo tuloy sirit ng dugo
tulad ng agasang walang humpay
at mamatay si elham mahdi shuee
ang dose anyos na dalagitang yemeni
na sapilitang ipinakasal kahit bubot pa
ang katawan at puri
tatlong araw lamang, tatlong araw lamang
makaraan marahas na pulot-gata
sumabog ang kanyang bahay-bata
inulila ng hininga sa ospital ng hajja
mapalad si elham mahdi shuee
kaysa banyagang mga rajima jamal
di na kailangang iuwi pa sa yemen
parang yelo niyang bangkay.

kailan naman iuuwi
ang embalsamadong mga rajima
sa la tierra pobreza?
————————————————————-

RAJIMA JAMAL, 19
(my English version)

skeletal now is the firetree
staring at the sky
the flaming flowers no more
green was it last january
but gone are the leaves now
blown by the feverish
march and april and scattered
on the parched earth
by the sun’s burning breath
rajima would no longer see
the crimson blooming
of the firetree
rajima would no longer hear
the melodious muslim prayers
when dusk kisses the air
in the land made fallow
by the exploitative class
rajima would no longer taste
the ecstacy of durian
the sweet-sour scent
of pineapple and kumquat.

dismal for three months now
in the morgue
of saif obaidullah hospital
at ras al-khaimah
the cadaver of rajima
only nineteen years old
when death grabbed her
after mohammad sala sultan
cruelly enslaved her
her head repeatedly
slammed upon the wall
her skull cracked
her brain bled
when she refused to be
her master’s horse.

somber for three months now
the remains of rajima
in the morgue
of saif obaidullah hospital
at ras al-khaimah
could not be brought home
to her beloved mindanao
for her lifeless body
to just embrace
the skeleton of the firetree
for her to be showered
with ilang-ilang petals
and sampaguita leis
for her to be gifted
in her bucolic wake
some biscuits and toast bread
before her earthen body
departs to nowhere
amidst the elegy
of the cadena de amor
cogon and wild grass,.

abandoned still is rajima
in the dampness of the morgue
while snoring in his sleep
the fucking filipino consul
dreaming, cohabiting maybe
with the said miraculous
well-known virgin de buenviaje
inside the palace of the indios
grinning like a horse
the inutile, egoistic ruler
toying in his scheming mind
how to stay in power forevermore
who is rajima jamal?
only a domestic helper from mindanao
neither a member of a royal family
nor a kin of “honorable” men
in the abominable bureaucracy
why bother to crack your skull
if her body could not be returned
to her beloved homeland?
may pity spring from the emir’s heart
sheik saqr bin mohammad al-qassimi
maybe he’s the only hope
so rajima could go home at last
to her dear la tierra pobreza.

how many are the rajima jamals
strewn like debris by the hurricane
of injustice and penury
who decided to migrate
to whatever foreign land
to escape from the bastion
of grief and hopeless dreams
in their barren homeland?
bleeding is my brain
everytime the world’s rajima jamals
swim in its veins
boiling is its squirting blood
like when elham mahdi shuee
the twelve year-old yemeni gal
was forced to marry at once
her ovary burst and later died
after three days of truculent honeymoon
fortunate was elham mahdi shuee
unlike the migrant rajima jamal
in yemen already elham’s remains.

when will the embalmed rajima
be brought home at last
to our la tierra pobreza?