Kababaihan

‘Kahambugan’ ng gobyernong US sa kaso ni Pemberton, kinondena


Olongapo City–Pagpapakita ng “kahambugan” ng Estados Unidos (US) ang pagtanggi nitong ilipat sa Pilipinas ang kustodiya kay US Marine Joseph Scott Pemberton, na akusado sa pagpatay kay Jennifer Laude sa Olongapo City, ayon sa grupong pangkababaihan na Gabriela. Sinabi pa ng grupo na maituturing na direktang atake ito sa soberanya ng Pilipinas. “Talagang hindi patas ang […]

Si US Marine Scot Pemberton (dulong kanan), na humarap sa korte noong Biyernes.  Atty. Harry Roque twiiter account
Si US Marine Joseph Scott Pemberton (dulong kanan), humarap sa korte sa Olongapo City noong Biyernes, Disyembre 18. Atty. Harry Roque Twitter account

Olongapo City–Pagpapakita ng “kahambugan” ng Estados Unidos (US) ang pagtanggi nitong ilipat sa Pilipinas ang kustodiya kay US Marine Joseph Scott Pemberton, na akusado sa pagpatay kay Jennifer Laude sa Olongapo City, ayon sa grupong pangkababaihan na Gabriela.

Sinabi pa ng grupo na maituturing na direktang atake ito sa soberanya ng Pilipinas.

“Talagang hindi patas ang Visiting Forces Agreement (VFA). Nakikita na kasi ng US noon pa ang mga ganitong sirkumstansiya, lalo na’t talamak ang insidente ng karahasan sa kababaihan noong may base pa sila sa Clark (Angeles City, Pampanga) at Subic,” ani Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Ayon kay Salvador, kasalanan ng gobyerno ng Pilipinas ang pagkakaroon ng mga insidenteng tulad sa kaso ni Laude dahil sa pinasok nitong kasunduan tulad ng VFA na maraming probisyon na pabor lamang sa US.

Binatikos din niya ang reaksiyon ng DFA na sa halip daw na igiit ang kustodiya kay Pemberton, nagkasya na lamang sa pag-isyu ng pagkadismaya. Katumbas daw nito ang pagsuko ng gobyerno sa soberanya ng bansa.

Itinanggi ng embahada ng US ang kustodiya ng Pilipinas kay Pemberton matapos humarap ang akusadong sundalong Amerikano sa korte na protektado ng maraming pulis at napapalibutan ng aabot sa sampung miyembro ng Naval Criminal Investigative Service (NCIS) ng Estados Unidos.

Dumaan lamang sa booking procedure at hindi binasahan ng sakdal si Pemberton.

Sa pagtanggi ng US Embassy, sinabi nitong nakasaad sa Visiting Forces Agreement o VFA na maaaring tanggihan nito ang kustodiya ng gobyerno ng Pilipinas sa isang sundalo nito na akusado ng krimen sa Pilipinas.

Nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Roline Ginez Jabalde ng Olongapo Regional Trial Court (RTC), Branch 74 noong Disyembre 16 matapos makitang may probable cause ang piskalya na kasuhan ng murder si Pemberton.

Mixed emotions, natatakot, nagagalit. Kung puwedeng lapitan ko siya, tanungin. Kung puwedeng iuntog ko siya sa pader. Kaya lang, hindi ko naman kaya kasi ang daming NCIS na nakapalibot at nagbabantay sa kanya,” sabi ni Marilou Laude, kapatid ng biktimang si Jennifer.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin naitatakda ang arraignment sa kaso ni Pemberton dahil uunahin pa ng korte na dinggin ang mosyong inihain ng magkabilang panig: Sa kampo ng akusado, ang pagtigil o pagsuspindi sa court proceedings at ang mosyon ng pamilya ni Laude para mailipat sa Olongapo ang akusadong si Pemberton.

Giit ng Gabriela na kailangan na raw na ibasura ang VFA.

“Nananatili pa rin ang Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Aquino na isang basahan ng US. Ang mga kasunduang militar tulad ng VFA at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ang nagpapatunay ng kawalang hustisya at pagpapatuloy ng pang-aabuso,” sabi ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan.

Idinagdag naman ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus na hindi natuto ang Pilipinas sa kasaysayan ng pananatili ng mga base militar dito sa Pilipnas. “Dapat nang ibasura ang VFA at EDCA,” ani De Jesus.