Sa isang press conference sa kanilang kampuhan sa Liwasang Bonifacio, Maynila, muling nananawagan ang mga lider-Lumad ng Manilakbayan ng Mindanao sa 55 batalyon ng militar na umalis na sa kanilang mga komunidad at itigil ang pagpoprotekta sa pamanira at malawakang pagmimina ng dayuhang mga kompanya. Nagdudulot umano ang militarisasyon ng malawakang paglabag sa kanilang mga karapatang pantao katulad ng pagpatay sa mga sibilyan, pananakot, pagkampo sa mga eskuwelahan at pagsampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga lider nila. Mula kaliwa: Datu Indao, Gemilo, Datu Guaynon, Lantao at Aba. Boy Bagwis
Posibleng pinatay nang walang kalaban-laban ang limang sibilyang biktima ng masaker sa Toboso, Negros Occidental ayon sa paunang resulta ng autopsy ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun sa mga labi.
Nanawagan ng hustisya at independyenteng imbestigasyon ang mga kamag-anak at mahal sa buhay ng mga sibilyang aktibista, tanggol-karapatan at mamamahayag na kabilang sa “Toboso 19.”
Tanggal na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na may malubhang paglabag sa karapatan ng mga bata. Ngunit, ayon sa mga tanggol-bata, hindi naiuulat nang maayos ang mga kaso kaya nagmukhang bumuti ang kalagayan.
Ngayong matindi ang pampolitika at pang-ekonomiyang krisis, hindi mapipigilan ng anumang dahas ng estado ang mamamayang Pilipino na labanan ang gobyernong hindi tumutugon sa kanilang mga matagal nang hinaing.