Kababaihan Manggagawa

Sa anibersaryo ng Herrera Law, Aquino ginawaran ng ‘end of contract’


Simbolikong binigyan ng kababaihan at mga manggagawa si Pangulong Aquino ng end of contract (ENDO) sa pagkapangulo. Ginawa nila ito sa pagsugod ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Mendiola sa Maynila sa ika-26 anibersaryo ng Herrera Law. “Pangunahing nagsusulong (si Aquino) ng sistema ng kontraktuwalisasyon. (Siya) ang ‘Endo King’ na ginagawang disposable ang […]

Ginawaran ng Endo o end of contract si Noynoy Aquino sa pagkapangulo ng Gabriela Women's Party at Kilusang Mayo Uno sa 26 na anibersaryo ng Herrera Law. Pher Pasion
Ginawaran ng Endo o end of contract si Noynoy Aquino sa pagkapangulo ng Gabriela Women's Party at Kilusang Mayo Uno sa 26 na anibersaryo ng Herrera Law. <strong>Pher Pasion</strong>
Ginawaran ng Endo o end of contract si Aquino sa pagkapangulo ng Gabriela Women’s Party at Kilusang Mayo Uno sa 26 na anibersaryo ng Herrera Law. Pher Pasion

Simbolikong binigyan ng kababaihan at mga manggagawa si Pangulong Aquino ng end of contract (ENDO) sa pagkapangulo.

Ginawa nila ito sa pagsugod ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Mendiola sa Maynila sa ika-26 anibersaryo ng Herrera Law.

“Pangunahing nagsusulong (si Aquino) ng sistema ng kontraktuwalisasyon. (Siya) ang ‘Endo King’ na ginagawang disposable ang mga manggagawa kasama ang Department of Labor and Unemployment,” ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus.

Ipinasa ang Herrera Law o Republic Act 6715 noong Marso 2, 1989. Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), naging instrumento ang batas na ito para payagan ang kontraktuwal sa paggawa. Sa ganitong kalakaran, ipinapaloob lamang sa kontrata ang isang empleyado nang hindi lalampas sa anim na buwan.

Base sa batas, ang isang manggagawa o empleyado na lampas sa anim na buwan ay maituturing nang regular.

Dagdag ni De Jesus, lalong lumala ang mga pakanang kontraktuwalisasyon sa ilalim ng anak ni dating Presidente Cory Aquino, ina ng kasalukuyang pangulo.

Noong 2011, naglabas si Aquino ng DOLE Order Number 18-A, na nagresulta sa low-skilled jobs katulad ng janitorial ang naging kontraktuwal, maging ang mga regular na posisyon para sa sensitibong serbisyo gaya ng pinansya, information technology, airline, at pagtuturo ay nalusaw.

“Sa 26 na taon ng Herrera Law, mas marami na ngayon ang kontraktuwal kesa sa mga regular na manggagawa sa parehong publiko at pribadong sektor,” ayon kay Nitz Gonzaga, vice-chairperson for women’s affairs ng KMU.

Piket-protesta ng Kilusang Mayo Uno at Gabriela Women's Pary sa harapan ng anila'y Department of Labor and Unemployment. <strong>Pher Pasion>
Piket-protesta ng Kilusang Mayo Uno at Gabriela Women’s Pary sa harapan ng anila’y Department of Labor and Unemployment. Pher Pasion>

Sa kontraktuwalisasyon na umiiral, maliban sa kawalan ng seguridad sa trabaho, mas mababa ang natatanggap na sahod kesa regular, walang mga benepisyo, at inaalisan ng karapatang mag-unyon.

Maliban pa dito, nakararanas din partikular ang mga kababaihang manggagawa ng sekswal na pang-aabuso bilang mga kontraktuwal, ayon kay Lana Linaban, ng Gabriela Women’s Party.

Ayon naman kay Lian Flores ng Gabriela- Metro Manila, isang neo-liberal na polisiya ang kontraktuwalisasyon sa tulak ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo.

“Naglalayong baratin ang sahod ng mga manggagawa para mas lalong makaganansya ng mga kapitalista sa sistemang ito. Sa bansang may malaking bilang ng mga walang trabaho, napipilitan ang mga manggagawa na tanggapin ang pagiging kontraktuwal,” ayon Flores.

Nanawagan din ang kababaihan na agarang magbitiw sa puwesto si Aquino. Sa darating na Marso 8, pandaigdigang araw ng mga kababaihan nakatakdang maglungsad ng malaking protesta ang mga kababaihan sa Mendiola.