Pinoy Weekly
Category archives for: Kababaihan

Si Jennylyn at ang laban ng kababaihan

PW-jennylyn-birthday-gabriela

Para ipagdiwang ang kanyang ika-25 kaarawan, pinili ng tanyag na aktres at mang-aawit na si Jennylyn Mercado na maging miyembro ng Gabriela. Dating biktima ng pandarahas ng bata pa siya, iniambag ni Jennylyn ang kanyang pangalan at reputasyon para sa organisasyong pangkababaihan na tanyag na lumalaban sa pandarahas sa kababaihan at bata sa bansa. Sa [...]

Gobyernong Aquino, siningil sa kapabayaan sa mga biktima ng gahasa

"Pamela," nakipagdayalogo kay DOJ Sek. Leila de Lima, pero nabigo sa kanyang hiling na huwag paalisin ng bansa ang Panamanian na si Erick Schks, diumano'y nanggahasa sa kanya (Ilang-Ilang Quijano)

Sa kaso nina Pamela, Jasmin, at Mina, lumalabas na hindi kayang protektahan ng gobyerno ang kababaihan laban sa karahasan. At sa harap ng karahasan, hindi rin nito kayang tiyakin ang pagkakaroon ng hustisya para sa mga biktima.

Sa pagtatapos ng Balikatan: ‘Abuso sa kababaihan, laganap sa ‘R&R’ ng tropang Kano’

"Hindi palaruan ng tropang Kano ang Pilipinas, at hindi laruan ng tropang Kano ang mga Pilipina!" Ito ang sigaw ng kababaihan ng Gabriela, sa piket sa harap ng embahada ng US noong Abril 27. (KR Guda)

Sa mga bar, sa mga gimikan, sa mga lugar kung saan ginaganap ang R&R (rest & recreation) ng tropang Kano matapos ang Balikatan: Magbabantay sila.

Interbensiyong militar ng US, monopolyong kontrol sa langis, ipinrotesta ng kababaihan sa Women’s Day

2012-march-8-womens-day-rally-featured

Libu-libong kababaihan ang nagprotesta laban sa monopolyong kontrol sa langis at interbensiyong militar ng US, noong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

Umaga ng araw ng kababaihan: Oil Depot, muling kinalampag ng kababaihan ng Gabriela

PW-march-8-oil-depot-thumb

Nag-ingay ang kababaihan ng Gabriela sa oil depot sa Pandacan, Manila kung saan matatagpuan ang mga reserbang langis ng dambuhalang oil companies. Kinondena nila ang walang habas na taas-presyo ng langis, pinakahuli ngayong linggo. Ito rin ang panimulang protesta ng Gabriela sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, Marso 8. (KR Guda)

Bidyo: Pagtaas ng pamasahe, tinutulan ng kababaihan

lana ltfrb

Tinutulan ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang pagtaas ng pamasahe sa pagdinig ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ngayong Marso 8, Araw ng Kababaihan. Dininig ng LTFRB ang petisyong P0.50 fare hike na inihain ng mga grupong pangtransportasyon. Ayon sa grupo, mas makakabenepisyo kapwa sa mga tsuper at komyuter ang pagbasura sa Oil [...]

Embahada ng US, sinugod ng kababaihan sa bisperas ng araw ng kababaihan

PW-US-embassy-lightning-rally-gabriela-01

Matagumpay na nakatuntong ang militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela sa harapan ng embahada ng Estados Unidos (US) sa Roxas Boulevard sa Maynila isang araw bago ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

Dayuhang oil exploration sa PH, ‘nakakainsulto,’ posibleng magdulot ng hidwaan sa Tsina

Susunugin ng Gabriela sa Marso 8 ang malaking yellow ribbon na may drowing ng bandila ng US (Mula kaliwa) Liza Maza, Joms Salvador, at Rep. Emmi de Jesus ng Gabriela (Ilang-Ilang Quijano)

Sa gitna ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis, “nakakainsulto” para sa mga Pilipinong nagdurusa sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ang plano ng administrasyong Aquino na ibukas sa dayuhang mga kompanya ang natural na   reserbang mga langis at gas ng bansa. Ito ang inihayag ng mga lider-kababaihan ng Gabriela sa isang [...]

Pagkakaisa kontra taas-presyo

PW-alta-presyon-march-8-featured

Kababaihang tulad ni Aling Arlene ang lalong humihirap dahil walang habas na nagtataasan ang presyo ng langis at iba pang bilihin. Buti na lamang, aktibong kalahok ang mga tulad niya sa pagpapakilos sa kapwa mga maralita kontra sa taas-presyo

Malakanyang nilusob ng kababaihan ng Gabriela

PW-gabriela-malacanang-gate-7-featured

Galit na galit sa halos-linggu-linggong pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo at batayang mga bilihin, nilusob ng kababaihan ng Gabriela ang Gate 7 ng Malakanyang para iprotesta ang anila’y kainutilan ni PNoy na kontrolin ang presyo ng langis, isawata ang overpricing sa langis, at ibasura ang polisiya ng deregulasyon sa langis.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes