Karaban kontra Balikatan, isinagawa sa Central Luzon

Nagkaraban ang iba’t ibang sektor mula Quezon City patungong Central Luzon para malakas na irehistro ang pagtutol sa Balikatan military exercises na nagsimula noong Abril 16.

Nagkaraban ang iba’t ibang sektor mula Quezon City patungong Central Luzon para malakas na irehistro ang pagtutol sa Balikatan military exercises na nagsimula noong Abril 16.

Sinugod ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at iba pang militanteng organisasyon ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City upang igiit na ilipat si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ordinaryong kulungan.

Ikinatuwa ng militanteng mga organisasyon ang pag-aresto kay Gloria Macapagal Arroyo. Pero, hiling nila sa publiko: dapat maging mapagmatyag. Dapat ding siguruhing masasampahan din siya ng iba pang mabibigat na kaso, mula sa mga paglabag ng kanyang rehimen sa karapatang pantao, hanggang sa pandarambong.
Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ginunita ng mga militante sa pamamagitan ng protesta sa harap ng embahada ng US ang pagbasura sa pagpapalawig ng RP-US Military Bases Agreement. Sa ilalim ng kasunduang ito, nagmantine ang militar ng US ng tiyak na mga baseng militar sa Clark, Pampanga at Sublic, Zambales. Taong 1991 nang ibasura ng Senado, sa botong 12-11, ang pagpapalawig sa implementasyon ng naturang kasunduan. (Macky Macaspac)
Sa gitna ng krisis pang-ekonomiya at credit downgrade ng Estados Unidos, inihayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na magandang pagkakataon ito para pag-isipan at baligtarin ang mga pang-ekonomiyang patakaran ng Pilipinas na nakaasa sa pamumuhunan at ayuda mula sa US. “Panahon na para maglunsad ang gobyerno ng nagsasariling programa sa pag-unlad ng ekonomiya, kaysa iasa ang [...]

Blow by blow na ulat ng protesta ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kontra sa State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sa saliw ng kanta ng The Jerks na “Sayaw sa Bubog,” narito ang ilan sa mga imaheng nakuha ng Pinoy Weekly sa dalawang magkahiwalay na pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA noong 1986, habang sinisikap sagutin ang katanungang “Para saan, kailan, at para kanino ang pagdiriwang na ito?”
Anumang katwiran ng DOTC at administrasyon ng MRT at LRT hinggil sa pagtaas ng pamasahe sa naturang mga linya ng tren, hindi pa rin nila mapabulaanan ang katotohanang gusto nilang ipapasan sa mga komyuter ang utang ng gobyerno mula sa maanomalyang kasunduan sa dayuhang mga mamumuhunan.
Kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Southern Tagalog ang pagdemolis ng kapulisan sa tatlong barangay at tahanan ng 384 pamilyang maralita sa San Pedro, Laguna. Ayon kay Andrianne Mark Ng, tagapagsalita ng Bayan-ST, hindi dapat ipinapatupad ang demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita, laluna’t layunin nito ang pagbibigay-daan sa Southrail Project ng Philippine [...]
Hustisya para sa mga mamamayang lalong nalugmok sa karalitaan at pagdurusa ang tema ng pagkilos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kaalinsabay ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Benigno “Simeon” Aquino III.