Ka Roger, karismatikong rebolusyonaryo
Ilang sipi ng mga alaala ng iba’t ibang personahe, hinggil kay Gregorio “Ka Roger” Rosal. Narito rin ang mga larawan, sa iba’t ibang panahon, ng tinitingalang tagapagsalita ng armadong rebolusyon sa Pilipinas.

Tinitingala sa publiko si Gregorio “Ka Roger” Rosal bilang totoong boses ng rebolusyonaryong pakikibaka. Magmula nang unang lumantad siya sa publiko bilang tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines (CPP), epektibong binigyan niya ng boses ang armadong pakikibaka sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahinahon, rasonable at, pinakamahalaga sa masa, simpleng lengguwahe, ipinaliwanag niya ang paninindigan ng rebolusyonaryong kilusan. Kahit sa mga pagkakataong nakipagdebate siya sa mga heneral ng militar sa ere ng radyo at telebisyon, lumulutang pa rin ang talas at talino ng isang rebolusyonaryong nagmula sa hanay ng uring magsasaka. Sa anunsiyo noong Sabado ng kanyang pagkamatay noong Hunyo 22, marami ang nagparangal. Mula sa mga progresibong organisasyon at personahe, hanggang sa mga mamamahayag ang nagpahayag ng paghanga kay Ka Roger.
Narito ang ilan lamang sa mga salita at sipi mula sa alaala ng iba’t ibang personahe. Narito rin ang mga larawang kuha ni Boy Bagwis ng Pinoy Weekly sa matagal nang naging sabdyek ng kanyang kamera: si Gregorio “Ka Roger” Rosal.
* * *
As far as spokespersons went, Ka Roger was among the most insistent, the most creative, and articulate and, until the string of strokes that hit him, the most felt. He was never strident, always respectful even of the views that probably repelled him and always ready with a reasoned counter-argument (whether or not you agreed with it). Many who profess to speak for others could learn a thing or two from him.
Atty. Teddy Te, human rights lawyer
* * *
Sabihin na natin na tulad ng sa maraming mamamahayag na nakakatalamitan si Ka Roger, noong nauso na ang cellphones at text messages, ka-textmate siya ng marami. Ang kaibahan marahil sa kaso ko, dahil sa natural na kakulitan ko, (inborn!) may mga personal na kuwentuhan na amin na lang. Pero sige kuwentuhan na rin lang naman, sinimulan ko, isang silip: Yun bang tipong kuwentuhan na, o kumusta na ang mga anak mo? Kilala niya ang mga pangalan nila, ’yung ganung klase, at ako naman bonggang bonggang magkukuwento ng tungkol sa kanila lalo na sa kanilang pag-aaral.
Arlyn dela Cruz, mamamahayag
* * *
The national democratic movement and the masses have lost one of their best and brightest sons with the passing of Gregorio Rosal. It is however to Ka Roger’s credit that he inspired a generation of Filipino youth who will carry on the unfinished tasks of the Philippine revolution.
Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)
* * *
I was then having a conversation with then Justice Secretary Silvestre Bello III in the middle of a dry river when he spotted Rosal leaping from one boulder to another as he was approaching us.
When I introduced myself as an Inquirer correspondent, he gave me a tight hug and said: “At last, we met each other in person. It’s my pleasure meeting you.”
“So do I, Sir, so do I,” were the only words I could mutter.
Delfin Mallari Jr., correspondent ng Philippine Daily Inquirer
* * *
Nakasama ko si Gregorio “Ka Roger” Rosal sa panahon ng diktadurang Marcos. Ka Deo ang pangalang dala niya noon at malalaman ko na lang ang tunay niyang pangalan sa panahon ni Fidel Ramos nang naging laman siya ng media bilang tagapagsalita ng rebolusyonaryong kilusang nagpatuloy kahit na napatalsik na ang diktadurang Marcos… May panahong natisod namin ang isang magsasakang nagtatanim ng marijuana sa bundok. Matataas na ang marijuana at nalaman namin na inalok nang madaling pera ang magsasaka para gawin ito. Hindi ito hinayaan, hindi lamang dahil kadalasan mga tauhan mismo ng diktadura ang nangangapital sa ganitong tipo ng tanim kundi masama ang epekto nito sa kabuhayan ng magsasaka at ng mga tagalunsod. Matiyagang pinaliwanag ni Ka Deo na sa pagtatanim ng marijuana, pinababayaan na ang pagtatanim sa mga pananim na makakain tulad ng palay, mais at mga bungang kahoy at naging bahagi pa ang mga sa kanayunan sa pagbibiktima sa mga kabataan sa lunsod na malulong sa droga.
Prop. Judy Taguiwalo ng Unibersidad ng Pilipinas at dating bilanggong pulitikal
* * *
Noong dekadang 1990 kapag nanlulubay ako sa pagtugon sa mga interbyu sa radyo mula sa Pilipinas, dahil sa ibang gawain ko, natutuwa ako na naririnig si Ka Roger na siyang madalas na tinig ng rebolusyon sa Pilipinas at ng sambayanang Pilipino. Malaking bentahe niya ang magsalita sa loob ng bayan mismo at mula sa hanay ng mga rebolusyonaryong pwersa at ng masa. Malinaw at tuwiran ang kanyang estilo ng pagpapahayag sa simpleng mga termino na gagap ng masa tungkol sa mga pinakamasalimuot na kalagayan at pagsusuri.
Prop. Jose Maria Sison, tagapagtatag na tagapangulo ng CPP
* * *
Ka Roger leaves behind a legacy of triumphs and memories that are permanently etched in the revolutionary annals of the Filipino people. His name, which now joins that of other heroes of the Philippine revolution will forever inspire the Filipino people in their struggle for national and social liberation.
Central Committee ng CPP
(Iklik ang Next page para sa mga larawan ni Boy Bagwis)