Pinoy Weekly
Posts tagged as: Karapatan

Madugo ang ‘tuwid na daan’ ni PNoy

PW_featured-hr-report-karapatan

Babat pa rin ng mga kaso ng pamamaslang at pagdukot, militarisasyon at pang-aabuso, ang kasalukuyang administrasyong Aquino, ulat ng Karapatan, grupong pangkarapatang pantao.

Larawan: Paglaya ng mga bilanggong pulitikal ‘tulad ni Ninoy’ muling ipinanawagan

Share

Amnestiya para sa bilanggong pulitikal, hiniling

Hiniling ng mga grupong pangkarapatang pantao ang “general, unconditional and omnibus” na amnestiya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal sa bansa.

Larawan: Mga biktima ng batas militar nagpiket vs panukalang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani

Nagpiket sa harap ng Batasan Pambansa sa Quezon City ang mga grupong pangkarapatang pantao, kabilang ang mga naging biktima ng batas militar ni dating diktador Ferdinand Marcos. Mariing tutol sila sa House Resolution 1135 na naglalayong ipalibing ang mga labi ng nasirang diktador sa Libingan ng mga Bayani. “Ginawang katatawanan ang kagimbal-gimbal na karanasang dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng batas militar. Di mabilang na paglabag sa karapatang pantao tulad ng pagpatay, pagdukot, tortyur, ilegal na aresto at pagkulong, hamletting at puwersahang pagpapalikas,” ayon sa Karapatan. (Macky Macaspac)

Paghuli sa ‘namumunong rebeldeng lider,’ pananabotahe sa usapang pangkapayapaan?

Duda ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa “timing” ng pagkakahuli diumano ng mga ahente ng militar sa Baliuag, Bulacan kay Allan Jazmines, pinaghihinalaang nangungunang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Pebrero 16, alas-sais ng gabi.

Matapos magpakamatay si Reyes, mga opisyal ng AFP dapat makonensiya na – Karapatan

Ikinagulat ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang nabalitang pagpapakamatay ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Angelo Reyes at ikinalungkot na “nabahiran na ng dugo ang nailantad na korupsiyon sa loob ng AFP.”

Mga Larawan: Patuloy na paglabag sa karapatang pantao muling ipinrotesta

Larawan ng kilos-protesta ng mahigit 5,000 katao para gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao noong Disyembre 10 para ihayag na “walang pagbabago bagong rehimen ni (Pang. Benigno) Aquino.”

Hinaharap ng karapatang pantao sa ilalim ni PNoy

Unang araw pa lamang ng Disyembre at unang araw ng paggunita ng Human Rights Week. Marahas nang binuwag ng kapulisan ang protesta ng mga drayber ng kuliglig sa Maynila. Sa kabila ng pandaigdigang panawagan na palayain ang Morong 43, nanatili silang nakapiit. Sumisigaw na katarungan ng mga taga-Hacienda Luisita at iba pang biktima ng nagdaang rehimen. May katarungan ba sa “daang matuwid?”

Reyd ng militar, pulis sa opisina ng militanteng grupo sa Bikol, kinondena

Kinondena ng iba’t ibang grupo ang reyd sa tanggapan ng militanteng mga grupo at pag-aresto sa apat lider nito sa Camarines Norte noong Nobyembre 22. Ayon sa  Karapatan-Bikol ang reyd umano sa opisinang pinaghahatian ng Karapatan, Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) at Kilusang Magbubukid ng Pilpinas (KMP-Camarines Sur) ay “mistulang martial law.” Pinabulaanan din ng [...]

Kaanak ng Morong 43, dismayado sa pakikipag-usap sa Malakanyang

Hinarap sa wakas ng mga opisyal ng Malakanyang ang mga kaanak ng mga mangagagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43, noong Nobyembre 15, matapos ang limang pagtatangkang makaharap si Pangulong Benigno Aquino III.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes