
Maria Lorena Barros, Emmanuel Lacaba, Rizalina Ilagan, Edgar Jopson, Remberto De La Paz, Juan Escandor, Santiago Arce, Liliosa Hilao, Abraham Sarmiento Jr. Ilan lamang sila sa mga pinili ang daan ng paglaban para sa bayan noong panahon ng diktadurang Marcos. Ilan din sila sa maraming kabataang naging kalahok sa isang makasaysayang yugto ng pag-aalsa at radikal na pakikilahok sa pagbabago ng lipunang Pilipino, na tinaguriang First Quarter Storm (FQS) a Sigwa ng Unang Kuwarto noong 1970.
Feb 1 2012 | Posted in
Balita |
Read More »
Patuloy na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang administrasyong Aquino sa malalang lagay ng karapatang pantao sa bansa, ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, sa okasyon ng ika-39 anibersaryo ng batas militar ng diktadurang Marcos.
Sep 22 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Nagpiket sa harap ng Batasan Pambansa sa Quezon City ang mga grupong pangkarapatang pantao, kabilang ang mga naging biktima ng batas militar ni dating diktador Ferdinand Marcos. Mariing tutol sila sa House Resolution 1135 na naglalayong ipalibing ang mga labi ng nasirang diktador sa Libingan ng mga Bayani. “Ginawang katatawanan ang kagimbal-gimbal na karanasang dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng batas militar. Di mabilang na paglabag sa karapatang pantao tulad ng pagpatay, pagdukot, tortyur, ilegal na aresto at pagkulong, hamletting at puwersahang pagpapalikas,” ayon sa Karapatan. (Macky Macaspac)
May 18 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Ilan sila sa mga lumaban sa diktadurang Marcos at nakaranas ng malupit na pagmamaltrato at pagkakulong noong panahon ng batas militar. Ngunit sa anumang kadahilanan, wala sila sa listahan ng mga kinikilala ng korte sa Hawaii na biktima. Pulitika o palpak na proseso lamang?
Mar 8 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Nagmartsa ang aabot sa 1,000 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan patungong Mendiola Bridge para gunitain ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ayon sa Bayan, patuloy pa ring buhay ang mga multo ng batas militar, tulad ng mga paglabag ng estado sa karapatang pantao. Nariyan pa rin ang pundamental na mga problema ng lipunang Pilipino, tulad ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at malaalipin na kalagayan ng manggagawang Pilipino.
Sep 22 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Taas-kamao si Fr. Dionisio Cabillas, aktibistang Aglipayang pari, sa pagtatapos ng misa para sa lider-obrero sa transportasyon na si Medardo “Ka Roda” Roda na yumao noong Setyembre 5. Matapos ang misa, binigyang-parangal si Roda ng iba’t ibang militanteng lider at organisasyon, na tumitingala sa kanya bilang isa sa pangunahing lider-oposisyon noong diktadurang Marcos at pinakatanyag na lider ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon bilang tagapangulong emeritus ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide o Piston. Umapaw ang mga tao sa UCCP Chapel sa EDSA, Quezon City sa dami ng mga gustong makiisa sa parangal. Inilibing si Roda noong Setyembre 12.
Sep 13 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Malayo pero makulay at makabuluhan ang naging biyahe ni Medardo Roda sa landas ng makabuluhang pambansang pagbabago.
Sep 7 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Nasa Kongreso at Korte Suprema ang bola: ibabasura kaya nila ang malinaw na ilegal na batas militar ng Malakanyang sa Maguindanao? Kasi kung hindi, tanging sa kalsada na lamang ang labanan. At ang panawagan dito: Wakasan na ang rehimeng Arroyo.
Dec 7 2009 | Posted in
Lathalain |
Read More »