Pinoy Weekly
Posts tagged as: Philippines

Sigalot sa Spratlys: Pilipinas, proxy ng US kontra China

Sinasabi ng administrasyong Aquino na pinangangambahan nito ang presensiya ng mga sasakayan ng China sa Spratlys. Pero tila nakakasangkapan lamang ito sa pagtutulak ng US na panatilihin at palakasin ang mga negosyo nito sa Pilipinas at Timog Silangang Asya, at kontrolin ang lumalakas na impluwensiya ng China sa rehiyon.

Larawan: Anibersaryo ng rebolusyonaryong alyansang NDF ipinagdiwang sa Maynila

Naglunsad ng lightning rally ang rebolusyonaryong kababaihang miyembro ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o Makibaka, isang underground na organisasyon, sa Maynila. Ipinagdiwang nila ang ika-38 taong anibersaryo ng National Democratic Front o NDF, isang rebolusyonaryong alyansa ng mga organisasyong nagsusulong ng “digmaang bayan” laban sa kasalukuyang sistemang pulitikal at pang-ekonomiya sa bansa. (Boy Bagwis)

Tsunami alert, idineklara sa bansa matapos lindol sa Japan

Dahil sa banta ng pagdating ng malalakas na alon sa Pilipinas mula sa karagatan matapos ang 8.9 magnitude na lindol sa bansang Japan, ipinayo ng Philippine Institute for Vulcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga lugar na karatig ng Pacific Ocean na maghanda. Kung kailanga’y mag-evacuate din sila.

Namamasura para may pantawid-gutom

Hindi maawat ang pagsirit ng presyo ng mga batayang bilihin, ganundin ang mga batayang serbisyo. Napipintong tumaas ang singil sa tubig, kuryente at iba pa. Paano nga ba nabubuhay ang mga maralitang Pilipino sa panahon ng ‘tuwid na daan’?

Video: GARB Kids sa Lakbayan

Sila ang mga anak ng mga magsasaka at manggagawang bukid mula sa Hacienda Luisita. Sa pamamagitan ng kanta, isinusulong nila ang tunay na reporma sa lupa.

Tropang Kano sa Sitio Agusuhin, Zambales

Dalawang sundalong Kano ang nakitang naglalakad, walang kasamahang sundalong Pilipino, sa Sitio Agusuhin, Subic, Zambales noong Oktubre 15. Bago ito, tumulong umano silang gumawa ng isang klasrum sa naturang sityo. Di armado ang mga Kano, pero pupuwede ba talaga silang gumala sa kabaryuhan ng lugar, (naka-fatigues, ibig sabihi’y may opisyal na lakad) nang walang sundalong Pinoy na sundalo na kasama dapat sa kanilang “ehersisyong militar”? (KR Guda)

Kasaysayan ng diborsiyo sa Pilipinas

Pilipinas ang isa sa dalawang bansa na wala pang batas hinggil sa diborsiyo, kasama ang Malta.  Maging ang Italy na kung saan matatagpuan ang  sentro ng Katolisismo na Vatican, ay mayroong batas para rito. Sinumang nagsasabing hindi bahagi ng kultura ng bansa ang diborsiyo ay kailangang mag-aral ng kasaysayan ng Pilipinas. Laganap sa tribung Pilipino [...]

Larawan: 60 kandila itinirik ng Katribu sa ‘Earth Hour’

Share

Tuyot sa paghahanda

May pondo at maraming pagkakataon ang gobyernong Arroyo para mapaghandaan ang pagsapit ng penomenong El Niño ngayong tag-araw. Pero winaldas nito ang mga rekurso’t panahon. Ngayon, ikinakatuwiran pa ang tagtuyot para makakuha ng emergency powers si Pang. Arroyo.

Video: Paggunita sa ‘bigong pangako’ ng EDSA

Pagkilos ng mga maralitang tagalungsod at militanteng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-National Capitol Region at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) para gunitain ang unang pag-aalsa sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Mensahe ng protesta na matapos mapatalsik ang diktadurang Marcos, nabigo ang sumunod na mga administrasyon na tupdin ang mga pangako ng EDSA: ang panawagan para sa makataong sahod at trabaho, abot-kamay na mga serbisyong panlipunan at paggalang sa karapatan ng mga mamamayan.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes