Sinisiraan sila, binabansagang terorista, komunista, o kaaway ng estado. Pagkatapos, sinusupil. Mayroon pa ngang pinapaslang. Ito ang padrong tila sinusunod ng mga militar kontra sa mga aktibista at kahit sa mga mamamhayag na natutukoy nilang lumalaban para sa pagbabago sa lipunan. Nagtipon sila ngayon para labanan ang padrong ito.
Aug 22 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »

Gaya ng isang ‘wang-wang,’ puro ingay at walang laman na kongkretong programa para sa ikabubuti ng mga mamamayan ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino, ayon sa mga grupong militante na nagsagawa ng malawakang kilos-protesta kasabay ng SONA.
Nagpiket sa harap ng Batasan Pambansa sa Quezon City ang mga grupong pangkarapatang pantao, kabilang ang mga naging biktima ng batas militar ni dating diktador Ferdinand Marcos. Mariing tutol sila sa House Resolution 1135 na naglalayong ipalibing ang mga labi ng nasirang diktador sa Libingan ng mga Bayani. “Ginawang katatawanan ang kagimbal-gimbal na karanasang dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng batas militar. Di mabilang na paglabag sa karapatang pantao tulad ng pagpatay, pagdukot, tortyur, ilegal na aresto at pagkulong, hamletting at puwersahang pagpapalikas,” ayon sa Karapatan. (Macky Macaspac)
May 18 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Mula sa makatarungang hiling ng mga manggagawa’t magsasaka hanggang sa tila may-pagkiling na pag-uulat sa halalan, malaking kawalan sa publiko ang hindi masyado pagpansin ng komersiyal na midya sa mga istoryang ito.
Jan 5 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Tulad noong nakaraang taon, nagbuo ang istap ng Pinoy Weekly ng lista ng mga personahe, grupo at kaganapan na lumikha ng malaking ingay at impluwensiya para sa progresibong pagbabago noong taong 2010.
Nagmartsa ang aabot sa 1,000 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan patungong Mendiola Bridge para gunitain ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ayon sa Bayan, patuloy pa ring buhay ang mga multo ng batas militar, tulad ng mga paglabag ng estado sa karapatang pantao. Nariyan pa rin ang pundamental na mga problema ng lipunang Pilipino, tulad ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at malaalipin na kalagayan ng manggagawang Pilipino.
Sep 22 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Hiniling ng mga kinatawan ng Bayan Muna, sina Reps. Teddy Casiño at Neri Javier Colmenares, sa Kamara na imbestigahan ng Kamara ang pagdaong sa Manila Bay ng USS George Washington, isang barkong nukleyar, mula Setyembre 4 hanggang 7.
Sep 15 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Kahit na mayroon kang prinsipyo, hindi mo pa rin maiiwasang makipag-kompromiso. Hindi lahat ng pangyayari’y umaayon sa iyong kagustuhan. Hindi lahat ng tao’y umaayon sa iyong kaisipan. Sa larangan ng pulitika, mahalaga ang pakikipag-alyansa. Noong nakaraang eleksiyon, maraming nagtaka sa desisyon ng Kaliwa na makipagsanib-puwersa sa malalakas na kandidato. Pero teka: Puwede bang malaman muna [...]
Jun 26 2010 | Posted in
(Kolum),
Konteksto |
Read More »
Hindi naging biro para sa masang Pilipino ang pinagdaanang kahirapan at panunupil sa loob ng siyam na taon ng isang pangulong sagad at lantaran ang korupsiyon, pandaraya, pasismo, at kasama ng mga kontra-mamamayang mga polisiya ay naglugmok ng bansa sa pinakamatitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika.
Jun 21 2010 | Posted in
Editoryal |
Read More »
Binati nina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabriela Rep. Liza Maza si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa “malinaw na tagumpay” nito sa katatapos lamang na halalan. Kahit hindi pa natatapos ang opisyal na bilangan ng mga boto, kinilala ng dalawang progresibong mambabatas si Aquino bilang susunod na pangulo ng bansa. Tumakbong senador [...]
May 11 2010 | Posted in
Balita |
Read More »