
Dalawang babaing kongresista ang mahigpit na tumutol sa pinaigting na presensiya ng mga tropang Amerikano sa bansa na inaalok ng administrasyong Aquino sa gobyerno ng Estados Unidos. Anila, labag ito sa soberanya ng bansa at magdudulot ng ibayong kapahamakan sa kababaihan.
Jan 30 2012 | Posted in
Balita,
Kababaihan |
Read More »

Pinaiigting ng gobyerno ng US ang presensiyang militar nito sa rehiyon ng Asya Pasipiko, kabilang ang Pilipinas. Malinaw na labag ito sa soberanya ng bansa. Pero patuloy naman ang paborableng pagtanggap ng administrasyong Aquino sa presensiyang militar ng US sa bansa

Mga larawan ng surpresang protesta ng militanteng mga kabataan sa konboy ng bumibisitang nangungunang opisyal ng gobyernong US na si US State Sec. Hillary Clinton.

Nakita na ito sa Iraq noong 2008, nang minsang binato ng isang mamamahayag na Iraqi ng sapatos si US Pres. George W. Bush. Sa Pilipinas, kung saan masigla ang kultura ng protesta at kilusang masa, may kasaysayan din ng paninindigan at “speaking truth to power” ang mga mamamahayag. Pero hindi ibig sabihi’y hindi na katangi-tangi ang ginawa ng isang campus journalist, si Marjohara Tucay, punong patnugot ng Philippine Collegian ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Naging intern din noong nakaraang summer ng Pinoy Weekly si Tucay.
Nov 16 2011 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang umano’y arogante at ilegal na pakikitungo sa mga mamamahayag ng mga tropang Amerikanong nagbabantay sa himpilan ng Joint Special Operations Task Force Philippines (JSOTFP) sa loob ng kampo ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines sa Zamboanga City. Sa isang pahayag, sinabi [...]
Dec 21 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Tatlong beses nang pumunta ang mga sundalong Amerikano sa Hacienda Luisita. Magtatayo raw sila ng mga imprastraktura roon. Pero batid ng mga taga-asyenda ang totoong pakay ng mga Kano: Ang pagsupil sa paglaban ng mga mamamayan ng Hacienda Luisita para sa hustisya at reporma sa lupa.
Nov 15 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Lumipad noong Setyembre 22 si Pangulong Aquino patungong US. Ito ang unang opisyal na biyahe sa kanyang anim na taong panunungkulan bilang presidente ng Pilipinas. Sa kanyang mensahe bago lumipad, tahasang sinabi ng pangulo na ang nakaayon ang biyahe niya sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng public at private sector. Sinabi pa niyang lilikha [...]
Oct 8 2010 | Posted in Uncategorized |
Read More »
Hiniling ng mga kinatawan ng Bayan Muna, sina Reps. Teddy Casiño at Neri Javier Colmenares, sa Kamara na imbestigahan ng Kamara ang pagdaong sa Manila Bay ng USS George Washington, isang barkong nukleyar, mula Setyembre 4 hanggang 7.
Sep 15 2010 | Posted in
Balita |
Read More »
Sa pagbisita ni Pang. Noynoy Aquino sa US ngayong Setyembre, pinatutunayan niyang ipinagpapatuloy lamang niya ang polisiya ng nakaraang mga administrasyon: Ang pampulitika at pang-ekonomiyang dependensiya ng gobyernong Pilipino sa gobyernong US.