Larawan at video: Silang naglakbay tungong Maynila para iprotesta ang SONA

July 24, 2009

Halos 1,000 magsasaka, manggagawa, at mula sa iba't ibang sektor ng lipunan ang naglakbay mula sa mga probinsya sa Timog Katagalugan para sumanib sa malawakang protestang nakatakda sa State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo sa Hulyo 27. Noong Hulyo 24, sa ika-apat na araw ng martsa, nakarating sila sa Ayala Ave., Makati City at doon sinalubong ng iba pang miyembro ng progresibong mga organisasyon.

Halos 1,000 magsasaka, manggagawa, at mula sa iba pang sektor ang naglakbay mula sa mga probinsya sa Timog Katagalugan para sumanib sa malawakang protestang nakatakda sa State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo sa Hulyo 27. Noong Hulyo 24, sa ika-apat na araw ng martsa, nakarating sila sa Ayala Ave., Makati City at doon sinalubong ng iba pang miyembro ng progresibong mga organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan.

Kabilang sa mga sinisingil nila kay Arroyo ang talamak na paglabag sa mga karapatang pantao sa rehiyon, kung saan 178 lider-aktibista na ang pinatay simula noong 2001. Nahaharap pa rin sa umano'y "gawa-gawang" mga kasong kriminal ang 72 na lider.

Kabilang sa mga sinisingil nila kay Arroyo ang talamak na paglabag sa mga karapatang pantao sa rehiyon, kung saan 178 lider-aktibista na ang pinatay simula noong 2001 ng pinaghihinalaang mga ahente ng gobyerno. Nahaharap pa rin sa umano'y "gawa-gawang" mga kasong kriminal ang 72 sa kanilang lider.

Binarikada rin ng pulisya ang ruta ng "Lakbayan" sa Muntinlupa City at Taguig City, isang hakbang na ayon sa mga organisador ay nagpapakita ng hangarin ng gobyerno na supilin ang anumang protesta sa darating na SONA.

Binarikada rin ng pulisya ang ruta ng "Lakbayan" sa Cavite City, Muntinlupa City, at Taguig City, mga hakbang na ayon sa mga organisador ay nagpapakita ng hangarin ng gobyerno na supilin ang anumang protesta sa darating na SONA.

Gayunpaman, desidido pa rin silang ipagpatuloy ang protesta laban sa posibleng pagtutulak ng mga kongresista sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Constituent Assembly. Tinitingnan nila ito bilang isang pakana para pahabain ang termino ni Arroyo.

Gayunpaman, desidido pa rin silang ipagpatuloy ang protesta laban sa posibleng pagtutulak ng mga kongresista sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Constituent Assembly. Tinitingnan nila ito bilang isang pakana para pahabain ang termino ni Arroyo. Ayon kay Christine Macabecha, deputy secretary-general ng Bayan-Southern Tagalog, ipinapakita ng nasabing Lakbayan na "sa lungsod man o nayon, nagdusa ang mga mamamayan sa panunungkulan ni Arroyo."

Hinimok nila ang iba pang mamamayan na sumali sa protesta sa SONA sa Hulyo 27. Gaganapin ito sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Quezon City.

Hinimok nila ang iba pang mamamayan na sumali sa protesta sa SONA sa Hulyo 27. Gaganapin ito sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Quezon City.

Panoorin ang bidyo para malaman ang saloobin ng mga nagmartsa ng milya-milya para magprotesta sa SONA:

Mahigit 1,000 miyembro ng mga progresibong grupo ang tumungo sa Mendiola Bridge noong Hulyo 25 para kondenahin ang siyam-na-taong panunungkulan ni Pangulong Arroyo na umano'y lalong nagpahirap mga Pilipino, lalo ang mga manggagawa na hindi nagbigyan ng trabaho at mga magsasaka na pinalayas mula sa kani-kanilang lupain. Anila, walang maaasahang bagong sasabihin ang pangulo sa State of the Nation Address nito sa Hulyo 27, na kanilang ipoprotesta kasama ng iba pa. (Darius Galang)

Panoorin ang bidyo ng martsa sa Mendiola at ang inaasahan ng isang magsasaka mula sa Timog Katagalugan na sasabihin ni Arroyo sa kanyang SONA: