Video: Bakwit sa Laguna hinakot ni Arroyo sa relief mission, hindi nabigyan ng relief goods


Nananatiling lubog sa tubig ang 30 munisipalidad na nakapalibot sa Laguna Lake. Wasak ang mga tahanan at hindi makapangisda dahil sa lalim ng dagat, umaasa lamang sa rasyon ng pagkain mula sa iba’t ibang organisasyong nagkokondukta ng relief missions ang mga residente. Noong Oktubre 14, nakarating sa Brgy. Balanga, Pila, Laguna, ang Bagong Alyansang Makabayan, at […]

Umaasa na lamang sa rasyon ang mga residente ng Brgy. Balanga, Pila, Laguna, na nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa pananalasa ng bagyong Ondoy. (Angelica Carballo)
Umaasa na lamang sa rasyon ang mga residente ng Brgy. Balanga, Pila, Laguna, na nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa pananalasa ng bagyong Ondoy. (Angelica Carballo)

Nananatiling lubog sa tubig ang 30 munisipalidad na nakapalibot sa Laguna Lake. Wasak ang mga tahanan at hindi makapangisda dahil sa lalim ng dagat, umaasa lamang sa rasyon ng pagkain mula sa iba’t ibang organisasyong nagkokondukta ng relief missions ang mga residente.

Noong Oktubre 14, nakarating sa Brgy. Balanga, Pila, Laguna, ang Bagong Alyansang Makabayan, at namahagi ng relief goods. Iyon ang unang pagkakataon na nabigyan sila ng pansamantalang tulong, ayon sa mga residente.

Samantala, nagreklamo sila sa umano’y panggagamit sa kanila ni Pangulong Arroyo. Noong Oktubre 9, umano’y hinakot sila para sa isang relief mission ngunit hindi binigyan ng rasyon.

Panoorin ang bidyo: