Bitbit ang mga plakard at kandila, hiniling ng humigit-kumulang 300 mula sa iba't ibang grupo ang agarang hustisya sa mga pinasalang sa Maguindano noong Nob. 23. (KR Guda)Hiniling din nila ang pagwakas sa karahasan sa panahon ng eleksiyon. Pinangangambahan ng marami na titindi pa lalo ang election-related violence matapos ang malagim na masaker sa Maguindanao. (KR Guda)
Posibleng pinatay nang walang kalaban-laban ang limang sibilyang biktima ng masaker sa Toboso, Negros Occidental ayon sa paunang resulta ng autopsy ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun sa mga labi.
Nanawagan ng hustisya at independyenteng imbestigasyon ang mga kamag-anak at mahal sa buhay ng mga sibilyang aktibista, tanggol-karapatan at mamamahayag na kabilang sa “Toboso 19.”
Tanggal na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na may malubhang paglabag sa karapatan ng mga bata. Ngunit, ayon sa mga tanggol-bata, hindi naiuulat nang maayos ang mga kaso kaya nagmukhang bumuti ang kalagayan.
Ngayong matindi ang pampolitika at pang-ekonomiyang krisis, hindi mapipigilan ng anumang dahas ng estado ang mamamayang Pilipino na labanan ang gobyernong hindi tumutugon sa kanilang mga matagal nang hinaing.