Nagsagawa ng lighting rally sa Morayta Ave., Maynila noong Dis. 2 ang grupo ng National Democratic Front na Makabayang Samahang Pangkalusugan, para kondenahin ang masaker sa Ampatuan na kumitil sa buhay ng 57 katao. Ipinagbunyi rin ng grupo ang kanilang ika-31 anibersaryo. "Lubos ang pagdadalamhati ng MSP sa pagkawalang-bahala sa buhay at karapatang pantao at hustisya sa ilalim ng rehimeng Arroyo," pahayag ng grupo. (Boy Bagwis)
"Hindi tayo mapapagod na manawagan sa mga kinauukulan na lalo pang pangalagaan at itanghal ang kapakanan at mga karapatan nating mga alagad ng komunikasyon at midya para sa walang maliw na pakikipaglaban at pagtaguyod sa kapakanan ng sambayanan,” ayon sa pahayag ng UP College of Mass Communication.
Sa isang sitwasyong patuloy na pinapaslang ang mga peryodista at manggagawa sa midya at kinokompromiso ang kalayaan sa pamamahayag, ano pa ba ang puwedeng gawin ng mga ordinaryong taong katulad natin para mabago ang kasalukuyang kalakaran?