Labis ang pighati ni Sunshine, panganay na anak ni Atty. Concepcion "Connie" Brizuela, isa sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao, sa burol ng abogado noong Nobyembre 29 sa Davao City. (Barry Ohaylan)Daan-daang katao ang dumalo sa libing ni Brizuela kinabukasan. Kilala sina Brizuela at Atty. Cynthia Oquendo, na kabilang din sa mga biktima ng masaker, bilang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Mga miyembro sila ng Union of People's Lawyers in Mindanao at National Union of People's Lawyers. (Barry Ohaylan)Pinarangalan ng grupong Gabriela-Davao at UPLM si Atty. Brizuela. Magpapadala ng international mission ang International Association of Democratic Lawyers para irehistro ang protesta ang umano'y culture of impunity na nagdulot ng masaker sa Ampatuan, at kausapin ang gobyernong Arroyo at bar associations sa bansa hinggil dito. (Dr. Jean Lindo)
"Hindi tayo mapapagod na manawagan sa mga kinauukulan na lalo pang pangalagaan at itanghal ang kapakanan at mga karapatan nating mga alagad ng komunikasyon at midya para sa walang maliw na pakikipaglaban at pagtaguyod sa kapakanan ng sambayanan,” ayon sa pahayag ng UP College of Mass Communication.
Sa isang sitwasyong patuloy na pinapaslang ang mga peryodista at manggagawa sa midya at kinokompromiso ang kalayaan sa pamamahayag, ano pa ba ang puwedeng gawin ng mga ordinaryong taong katulad natin para mabago ang kasalukuyang kalakaran?