Larawan: Rebolusyonaryong kababaihan, muling nanawagan ng ‘digmang bayan’ vs rehimeng ‘US-Arroyo’


Naglunsad ng lightning rally ang mga kababaihang miyembro ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o Makibaka, sa Divisoria, Manila para ipagdiwang ang ika-41 anibersaryo ng New Peoples Army. Nanawagan ang Makibaka na paigtingin ng mga mamamayan ang kampanya para wakasan na ang rehimeng Arroyo na sinusuportahan ng gobyernong US. Nanawagan ang grupo at ang NPA sa madla na umanib sa digmang bayan na aniyay solusyon sa kahirapan ng bansa. (Contributed Photo)
Naglunsad ng lightning rally ang mga kababaihang miyembro ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o Makibaka, sa Divisoria, Manila para ipagdiwang ang ika-41 anibersaryo ng New People's Army o NPA noong Marso 29. Kapwa bahagi ang Makibaka at NPA ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP. Nanawagan ang Makibaka na paigtingin ng mga mamamayan ang kampanya para wakasan na ang rehimeng Arroyo na sinusuportahan ng gobyernong US. Nanawagan ang grupo at ang NPA sa madla na umanib sa "digmang bayan" na aniya'y solusyon sa kahirapan ng bansa. (Contributed Photo)