Dinala ng mga kaanak ng biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao ang protesta sa paanan ng Mendiola Bridge malapit sa Malakanyang para ihayag ang kanilang disgusto sa mga maniobra diumano ng gobyernong Arroyo para mapawalang-sala ang pamilyang Ampatuan na itinuturong salarin sa masaker. Pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines ang paggunita sa ikalimang buwan matapos ang masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nob. 23, 2009. (KR Guda)
"Hindi tayo mapapagod na manawagan sa mga kinauukulan na lalo pang pangalagaan at itanghal ang kapakanan at mga karapatan nating mga alagad ng komunikasyon at midya para sa walang maliw na pakikipaglaban at pagtaguyod sa kapakanan ng sambayanan,” ayon sa pahayag ng UP College of Mass Communication.
Sa isang sitwasyong patuloy na pinapaslang ang mga peryodista at manggagawa sa midya at kinokompromiso ang kalayaan sa pamamahayag, ano pa ba ang puwedeng gawin ng mga ordinaryong taong katulad natin para mabago ang kasalukuyang kalakaran?