Mahabang pila ng mga botante sa Old Balara Academy, Quezon City. (Darius Galang) Hanggang baba naman ang pila ng mga botante sa Justice Cecilia Munoz-Palma High School sa Payatas, Quezon City. (Darius Galang)Nakatala naman sa chalkboard sa dulo ng pila ang clustered precints mula sa lumang numero ng mga presinto bago nagkaroon ng automated elections. (Darius Galang)Hirap ang marami sa mga botante sa paghahanap ng kanilang mga pangalan sa opisyal na talaan ng mga botante. Maraming botante ang nagreklamong hindi nila nakita ang kanilang mga pangalan sa talaan. (Darius Galang)Karaniwang problema sa Payatas ang pagkasira ng mga PCOS machines. May isang naiulat na sumabog na PCOS machine sa naturang lugar. (Darius Galang)Ilan sa mapalad na mga botante na matagumpay na nakaboto sa Old Balara Academy sa Quezon City. (Darius Galang)
Bagong administrasyon, bagong pag-asa. Bagong Pilipinas pa nga, sabi ng iba. Matapos ang siyam na taong panunungkulan ng isang Pangulong kinamuhian ng mayorya ng mga mamamayan (at maraming survey na magpapatunay sa puntong ito), nakaluklok ngayon sa puwesto ang bagong Pangulong malinaw na may suporta ng mahigit 14 na milyong botante noong nakaraang halalan.
Hindi naging biro para sa masang Pilipino ang pinagdaanang kahirapan at panunupil sa loob ng siyam na taon ng isang pangulong sagad at lantaran ang korupsiyon, pandaraya, pasismo, at kasama ng mga kontra-mamamayang mga polisiya ay naglugmok ng bansa sa pinakamatitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika.
Posible nga ba ang pre-programming ng PCOS machines at/o ng CF cards para pumabor sa isang kandidato noong nakaraang eleksiyon, tulad ng alegasyon ng impormante ni Prop. Jose Maria Sison? Dalawang eksperto sa IT ang nagpapatotoo.