Nagpiket ang mga miyembro ng Kabataan Party-list para panagutin ang administrasyong Arroyo, gayundin ang Commission on Elections at ang kompanyang Smartmatic sa palpak na paghahanda para sa kauna-unahang automated elections sa bansa. Hinala ng Kabataan na bahagi ng tangkang pananatili sa poder ni Arroyo ang mga kapalpakan sa paghahanda sa halalan sa Mayo 10. (Darius Galang)
Bagong administrasyon, bagong pag-asa. Bagong Pilipinas pa nga, sabi ng iba. Matapos ang siyam na taong panunungkulan ng isang Pangulong kinamuhian ng mayorya ng mga mamamayan (at maraming survey na magpapatunay sa puntong ito), nakaluklok ngayon sa puwesto ang bagong Pangulong malinaw na may suporta ng mahigit 14 na milyong botante noong nakaraang halalan.
Hindi naging biro para sa masang Pilipino ang pinagdaanang kahirapan at panunupil sa loob ng siyam na taon ng isang pangulong sagad at lantaran ang korupsiyon, pandaraya, pasismo, at kasama ng mga kontra-mamamayang mga polisiya ay naglugmok ng bansa sa pinakamatitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika.
Posible nga ba ang pre-programming ng PCOS machines at/o ng CF cards para pumabor sa isang kandidato noong nakaraang eleksiyon, tulad ng alegasyon ng impormante ni Prop. Jose Maria Sison? Dalawang eksperto sa IT ang nagpapatotoo.