Sa Brgy. BF Homes, Paranaque City, mahaba na ang pila ng mga botante sa simula pa lamang ng botohan. Maraming botante ang nagrereklamo ng kawalan ng sistema sa pagpila. (Ilang-Ilang Quijano)Isang botante ang nakaranas na iluwa ang kanyang balota ng tatlong beses, bago ito tinanggap ng makinang PCOS. Kinailangan siyang tulungan ng isang volunteer ng Philippine Parish Council for Responsible Voting. (Ilang-Ilang Quijano)Tulad ng maraming presinto sa iba't ibang bahagi ng bansa, problematiko rin ang ilang PCOS machines sa Paranaque City. (Ilang-Ilang Quijano)
Bagong administrasyon, bagong pag-asa. Bagong Pilipinas pa nga, sabi ng iba. Matapos ang siyam na taong panunungkulan ng isang Pangulong kinamuhian ng mayorya ng mga mamamayan (at maraming survey na magpapatunay sa puntong ito), nakaluklok ngayon sa puwesto ang bagong Pangulong malinaw na may suporta ng mahigit 14 na milyong botante noong nakaraang halalan.
Hindi naging biro para sa masang Pilipino ang pinagdaanang kahirapan at panunupil sa loob ng siyam na taon ng isang pangulong sagad at lantaran ang korupsiyon, pandaraya, pasismo, at kasama ng mga kontra-mamamayang mga polisiya ay naglugmok ng bansa sa pinakamatitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika.
Posible nga ba ang pre-programming ng PCOS machines at/o ng CF cards para pumabor sa isang kandidato noong nakaraang eleksiyon, tulad ng alegasyon ng impormante ni Prop. Jose Maria Sison? Dalawang eksperto sa IT ang nagpapatotoo.