Husgahan Natin

Kaso sa minimum wage: Kailangan bang manggagawa ang magpapatunay?

Isang manggagawa ang hindi pinasahod ng ayon sa batas ng kanyang pinapasukang kompanya. Nagsampa siya ng kaso laban sa kompanya ngunit wala man lang siyang naipakitang ebidensiya tungkol sa kanyang sinasabi. Ngunit ganoon din naman ang kompanya. Wala rin itong naipakitang katunayan na tama ang kanyang pagpapasahod sa manggagawa. Tanong: sa sitwasyong ito, sino ang dapat panigan ng hukuman: ang manggagawa ba o ang kompanya?

Isang manggagawa ang hindi pinasahod ng ayon sa batas ng kanyang pinapasukang kompanya. Nagsampa siya ng kaso laban sa kompanya ngunit wala man lang siyang naipakitang ebidensiya tungkol sa kanyang sinasabi. Ngunit ganoon din naman ang kompanya. Wala rin itong naipakitang katunayan na tama ang kanyang pagpapasahod sa manggagawa. Tanong: sa sitwasyong ito, sino ang dapat panigan ng hukuman: ang manggagawa ba o ang kompanya?

Ganito ang nangyari sa kasong “Dansart Security Forces and Allied Services Company vs. Jean Bagoy”   (G.R. No. 168495) na dinesisyunan ng Korte Suprema, nitong Hulyo 2. 2010.

Sa nasabing kaso, nagtatrabaho bilang security guard sa Dansart Security Force itong si Jean. Dahil sa ilang beses siyang nahuling natutulog sa kanyang puwesto, tinanggal siya sa kanyang trabaho ng kompanya.

Nagsampa ng reklamo sa Labor Arbiter si Jean. Ayon sa kanya, kulang ang sahod na binibigay sa kanya ng kompanya at mas mababa sa minimum wage na tinatakda ng batas. Sinagot naman ito ng kompanya sa pamagitan ng pagpapakita ng mga  reports na galing sa DOLE- National Capital Region na sumusunod sa tamang pasahod sa kanyang mga guwardya ang kompanya.  Walang naisagot dito si Jean.

Ganun pa man, naging pabor kay Jean ang desisyon ng Labor Arbiter at inutusang nito ang kompanyang magbayad ng tamang sahod kay Jean.  Inapela naman ng  kompanya sa National Labor  Relations Commission  (NLRC) ang desisyon. Nakumbinsi nito ang NLRC at pinawalang sala ng huli ang kompanya. Ayon sa NLRC, dapat binigyan ng bigat ang reports ng DOLE-NCR na nagbabayad ng tamang sahod sa kanyang mga tauhan ang kompanya.

Si Jean naman ang nagdala ng kaso sa Court of Appeals. Hindi binigyan ng bigat ng Court of Appeals ang mga reports na galing sa DOLE-NCR at mas pinaniwalaan ang sinabi ni Jean na wala sa minimum ang sahod na tinatanggap  niya mula sa kompanya.

Napilitan ang  kompanya na dalhin sa Korte Suprema ang kaso.

Nilinaw ng Korte Suprema na  kapag nagsampa ng kaso ang isang manggagawa tungkol  sa hindi pagsunod ng kompanya sa minimum wage, obligasyon ng kompanya na  patunayan na sumusunod  ito sa minimum wage at hindi ito obligasyon ng manggagawa.

Sa madaling sabi, kung walang ebidensiya  sa bagay na ito ang manggagawa ngunit wala ring ebidensiya ang kompanya,  ang hukuman ay dapat na pumanig sa manggagawa.

Si kaso ni Jean, wala siyang naipakitang ebidensiya tungkol sa paglabag ng kompanya sa minimum wage na itinatakda ng batas. Sa panig naman ng kmpanya ay nakapagpakita ito ng mga certification o reports mula sa DOLE-NCR na binabayaran nito ng husto at ayon sa batas ang kanyang 279 na guwardiya.

Ngunit hindi natin matiyak kung kasama ba sa 279 na  guwardiyang ito si Jean. Kung susuriin, hawak ng kompanya ang payrolls, payslips, at iba pang dokumentong magpapakita na bayad na nang tamang sahod itong si Jean. Madali sanang nailabas ito ng  kompanya bilang ebidensyang tama ang kanilang binibigay na sahod dito kay Jean. Ngunit hindi ito nailabas ng kompanya.

Dahil dito, sabi ng Korte Suprema, hindi nagkamali ang Court of Appeals sa ginawang pagpanalo nito   kay Jean. Binasura ng Korte Suprema ang kaso ng kompanya.