Depensa ng maralita sa North Triangle
September 23, 2010

Madaling araw pa lamang, nagbarikada na ang mga residente ng Sityo San Roque sa North Triangle para pigilan ang pagdemolis ng kanilang mga bahay ng MMDA at pulisya. (Macky Macaspac)

Inokupa ng mga maralita ang kalsada ng EDSA para iprotesta ang pagdating ng demolition teams. (King Catoy)

Ikinagalit ng mga residente ang puwersahang pagbaklas ng demolition teams sa mga dingding, poste at bubong ng kanilang mga tahanan. (King Catoy)

“Nagpapagamit kayo sa mga kapitalista!,” galit na sinagot ng isang residente ang isang pulis na nagsabing dapat na silang umalis. Ni Wala kayong court order, aniya. Ang Ayala Corp. ang pangunahing debeloper ng Quezon City Central Business District na itatayo sa 250 ektarya sa lungsod, kabilang ang halos 30-ekt. sityo. (Ilang-Ilang D. Quijano)

Hinarang ng mga kabataan — ang ilan, nakaunipormang pang-eskuwela pa — ang pagdaan ng mga bus at sasakyan sa EDSA. (KR Guda)

Sa tulong ng mga pulis, pinasok ng demolition teams ng NHA ang kaliwa at kanang bahagi ng San Roque na may EDSA. (King Catoy)

Kahit may mga tao pa, sinimulan ng mga demolition team ang pagbabaklas sa mga bahay. Takot ang naramdaman ng maraming residente. (King Catoy)

Magkahalong takot at galit ang naramdaman ng maraming residente sa pagdedemolis ng MMDA sa kanilang mga tahanan. (King Catoy)

Nang harangin ng mga maralita ang EDSA at di mapigilan ng pulis, ginamit ng pulis ang demolition teams para salakayin ang mga nagbarikada, gamit ang mga bato, crowbar, at iba pang gamit pambaklas ng bahay. (King Catoy)

Huli ng mga larawang ito ng Pinoy Weekly ang pambabato ng mga miyembro ng demolition teams laban sa mga bahay at mga residenteng nakabarikada. (Macky Macaspac)

Okrestrado ang pagtataboy ng pulis at demolition teams sa mga nagbarikadang residente, gamit ang pambabato sa kanila at tubig-bombero. (KR Guda)

Pati ang SWAT Teams ng PNP, tumulong sa paghahalughog ng mga tahanan — dala ang kanilang matataas na kalibre ng baril. (Macky Macaspac)

Mga miyembro ng demolition team na nang-iitsa ng bato, bote at kung anu-ano pang gamit laban sa mga residente. (KR Guda)

Sa kabila ng pananakit at pandarahas, nanindigan ang mga residente at itinulak ang mga shield ng mga pulis. (Macky Macaspac)

Labag sa maraming reglamento ang pagdala ng baril ng mga pulis, pero halos bawat pulis doon ay armado. (Macky Macaspac)

Sinalakay din ng mga maralita ang demolition teams — na nagsiatrasan sa malapit sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue. (KR Guda)

Nagsalita si Vencer Crisostomo, pangkalahatang kalihim ng Kabataan Party-list, para bigyang-pugay ang nagbarikadang mga maralita ng San Roque at ihayag ang suporta ng kabataan sa laban para sa karapatan ng maralita sa disenteng pabahay. (Ilang-Ilang D. Quijano)

Nawalan ng saysay ang traffic enforcer na ito sa kawalan ng trapiko sa EDSA matapos matagumpay na mapigil ng barikada ng mga maralita ng San Roque sa trapiko sa naturang pambansang kalsada. Napatigil ng mga maralita ang trapiko nang tatlong oras bago puwersahang maitaboy ng mga pulis at demolition teams. (KR Guda)