Mga Larawan: Sampu sa kalalakihan ng Morong 43 napalaya na rin

December 18, 2010

Sampu pa lamang sa 15 kalalakihan ng Morong 43 na nakulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig ang napapalaya. Gayunman, sinabi ng mga abogado ng 43 manggagawang pangkalusugan na pagsisikapan nilang mapalaya ang limang iba pa sa Bagong Diwa, gayundin ang lima pang nasa kustodiya ng Philippine Army sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.

“Dalawampu’t tatlong babae at 10 lalaki ang pinalaya sa wakas kagabi (Disyembre 17). Limang lalaki pa ang naiwan — sa pagtutol ng mga defense attorney — sa Bicutan dahil sa mga gawa-gawa, luma at walang-kuwentang kaso tulad ng bouncing checks, at dahil sa mga kapangalan,” paliwanag ni Atty. Edre Olalia, isa sa mga abogado ng Morong 43.

Samantala, narito ang ilang larawan ng 10 lalaking pinalaya, alas-dos ng madaling araw ng Disyembre 18.

Matagal na matagal nang naghihintay ang mga kaanak para sa pagpapalaya sa kanilang mga mahal-sa-buhay. Dito, sa labas ng BJMP detention center ng kalalakihan sa Camp Bagong Diwa, pinaghintay muli sila hanggang alas-dos ng madaling araw. (KR Guda)

Sabik na silang makita ng isang kaanak -- kahit masulyapan man lang. Pero hindi raw puwede, sabi ng mga tauhan ng BJMP, na tumayo at iniharang ang kanilang mga puwit sa siwang ng gate para di makasilip ang mga kaanak at midya. (KR Guda)

Naghihintay sa tarangkahan ng kulungan si Francisco Remoroso, 57, ama ng 29-anyos na si Franco Remoroso ng Morong 43. Noong nakaraang linggo, bumagsak ang katawan ni Franco dahil sa undiagnosed na diabetes, sa kabila ng paglahok sa hunger strike ng mga detinido para sa kanilang kalayaan. Nitong nakaraang mga araw, nagbantay sa ospital si Francisco. Nitong umaga ng Disyembre 17 lamang sila nakabalik sa Bagong Diwa matapos magbayad ng P3,500 sa ospital. (KR Guda)

"Kapag nakita mo asawa mo, halikan mo ha!" biro ng isang kaanak sa isang asawa ng detinido. Narinig nilang isa-isang tinatawag na ang mga detinidong palalayain. Excited na sila. (KR Guda)

Pagbukas ng pinto, unang lumabas si Atty. Edre Olalia. Pagkatapos, si Gary Liberal, nars na isa sa Morong 43. Abot tainga ang ngiti ni Gary. (KR Guda)

Masayang sumigaw ng pagpapalaya sa mga detinidong pulitikal si Franco Remoroso, habang tuwang tuwa at proud namang nakatingin ang tatay niyang si Francisco (kanan). (KR Guda)

Isa-isa na silang lumabas, taas-kamao. (KR Guda)

Yakap ang salubong sa kanila ng mga kaanak. (KR Guda)

Yakap din ang isinalubong ng pamilyang Montes kay Dr. Alexis Montes. (KR Guda)