Mga Larawan: Pagdiriwang, panawagan at paninindigan, sa pag-upo ni P-Noy

Dalawang pagdiriwang ang pinuntahan ng Pinoy Weekly noong Hunyo 30, 2010. Ang una, ang pagdiriwang para sa inagurasyon ni Pang. Benigno Simeon “Noynoy” C. Aquino III at Bise-Pres. Jejomar Binay Jr. Ang pangalawa, pagdiriwang ng pag-alis sa wakas sa puwesto ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, at pagkilos para ipanawagang tupdin ng bagong gobyerno ang matagal nang hiling ng mga magsasaka.

Dalawang pagdiriwang ang pinuntahan ng Pinoy Weekly noong Hunyo 30, 2010.

Ang una, ang pagdiriwang para sa inagurasyon ni Pang. Benigno Simeon “Noynoy” C. Aquino III at Bise-Pres. Jejomar Binay Jr. Ang pangalawa, pagdiriwang ng pag-alis sa wakas sa puwesto ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, at pagkilos para ipanawagang tupdin ng bagong gobyerno ang matagal nang hiling ng mga magsasaka. Ang una, tantiya ng pulisya na aabot sa 50,000 katao ang tumungo para makiisa sa pagsusumpa ng bagong pangulo sa Quirino Grandstand, Luneta. Ang pangalawa, daan-daang magsasaka mula sa Timog Katagalugan at Gitnang Luzon na nagmartsa patungong paanan ng Mendiola Bridge para agarang ipanawagan ang kanilang mga kahilingang reporma sa lupa at katarungan. Ang una, nakatutok ang lahat ng midya. Ang huli, walang media coverage, at tanging mga taong napadaan sa kalsada lamang ang nakasaksi.

Gayunman, ito’y parehong mahalagang subaybayan. May mga magsasabi, higit pa nga dapat sa pangalawa. Habang ipinapangako ni Aquino ang pagsugpo sa kahirapan sa pamamagitan ng pagsugpo raw sa korupsiyon, ipinipirisinta ng mga magsasaka ang pundamental na problema ng kawalan ng lupang masasakahan bilang isa sa pangunahing naglulugmok sa mga mamamayan sa kahirapan.

Narito ang ilan sa mga imaheng nasaksihan namin sa dalawang kaganapan.

Isa sa daan-daang tagasuporta ni Pres. Noynoy Aquino sa Quirino Grandstand, dala ang karatulang tila ginaya sa estilo ng napasikat na artwork ni US Pres. Barack Obama nang nangangampanya pa lamang ang huli noong 2008. (Darius Galang)

Dilaw ang namayaning kulay ng mga tagamasid sa Quirino Grandstand. (Darius Galang)
Dilaw ang namayaning kulay ng mga tagamasid sa Quirino Grandstand. (Darius Galang)
Matapos sunduin ni Pres.-elect Noynoy Aquino si Pang. Arroyo sa Malakanyang, sabay na humarap ang dalawa sa publiko sa Quirino Grandstand. (Boy Bagwis)
Matapos sunduin ni Pres.-elect Noynoy Aquino si Pang. Arroyo sa Malakanyang, sabay na humarap ang dalawa sa publiko sa Quirino Grandstand. (Boy Bagwis)

    Unang sumumpa si Bise-Pres. Jejomar Binay kay Associate Justice Conchita Carpio-Morales, sa eksaktong 11:50 ng umaga. (Boy Bagwis)
Unang sumumpa si Bise-Pres. Jejomar Binay kay Associate Justice Conchita Carpio-Morales, sa eksaktong 11:50 ng umaga. (Boy Bagwis)
Kumaway si dating pangulong Arroyo sa madla, bago sumakay sa isang pribadong sasakyan pauwi. Naghiyawan -- tila sa tuwa -- ang mga manonood nang sumakay sa kanyang sasakyan si Arroyo. (Boy Bagwis)
Kumaway si dating pangulong Arroyo sa madla, bago sumakay sa isang pribadong sasakyan pauwi. Naghiyawan -- tila sa tuwa -- ang mga manonood nang sumakay sa kanyang sasakyan si Arroyo. (Boy Bagwis)
Tulad ng inaasahan, bantay-sarado ng militar at Presidential Security Group ang Quirino Grandstand. (Darius Galang)
Tulad ng inaasahan, bantay-sarado ng militar at Presidential Security Group ang Quirino Grandstand. (Darius Galang)