Istorya ng Linggo

Video: Ang napapamalengke sa minimum na sahod ngayong araw ng kababaihan


Sa pamamalengke ng lider-maralita na si Nanay Mameng, matutuklasan kung ano na lamang ang kayang bilhin na pagkain para sa kanyang pamilya ng isang manggagawa na may minimum na sahod. Ito ang gustong bigyang pokus ng militanteng alyansang kababaihan ng Gabriela ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Marso 8.

Nanay Mameng: Kulang ang P130 kada araw para sa pamamalengke, na tanging natitira sa sahod ng karaniwang manggagawa (Darius Galang)

Sa pamamalengke sa Nepa Q-Mart noong Marso 6 ng lider-maralita na si Carmen “Nanay Mameng” Deunida, matutuklasan kung ano na lamang ang kayang bilhin na pagkain para sa kanyang pamilya sa isang araw, ng manggagawa sa National Capital Region na may minimum na sahod na P404.

Dalawang araw bago ang Marso 8,  hinikayat ng Anakpawis Party-list ang mga ina na pinakaapektado ng pagsirit ng presyo ng pangunahing mga bilhin: sumama sa pagdiriwang at protesta sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

Pangunahin nilang hiling kay Pang. Benigno Aquino III, pababain ang presyo at pataasin ang sahod ng mga manggagawa.