Pagsasapribado sa NFA, tinutulan ng magsasaka sa Panay, Guimaras

Nagpiket sa harap ng tanggapan ng National Food Authority (NFA) sa Iloilo City ang mga magsasaka ng Panay at Guimaras noong Marso 1 para ihayag ang kanilang pagtutol sa pinaplano ng administrasyong Aquino na isapribado ang NFA.

Tutol ang mga magsasaka ng Panay at Guimaras na buung-buong ipasa sa pribadong sektor ang pagsusuplay at pangangasiwa sa suplay ng bigas sa bansa. (Arkibong Bayan)
Piket ng mga magsasaka at iba pang sektor sa harap ng tanggapan ng National Food Authority sa Iloilo City. (Arkibong Bayan)

Pinangunahan ng Peasant Unity in Panay and Guimara (Pamanggas), at kasama ang lokal na tsapter ng National Food Authority Employees Association (NFAEA) at ang Bagong Alyansang Makabayan-Panay, sinabi ng mga magsasaka na ayaw nilang mapasakamay ng pribadong sektor ang seguridad sa pagkain ng bansa.

It only means that the government will leave the nation’s food security in the hands of the private sector which has consistently shown that they cannot comply with their commitments to the national government and which profited so much from the rice crisis of 1995,” sabi ni Cris Chavez, secretary-general ng Pamanggas.

Paliwanag ni Roman Sanchez, pambansang tagapangulo ng NFAEA, tutol sila sa apat na panukalang batas sa Kamara na naglalayong tanggalin mula sa NFA ang kapangyarihan nitong bumili ng suplay ng bigas at pangasiwaan ang regulasyon ng industriya ng bigas.

“Essentially, the bills will decouple the said functions of the NFA and would only weaken government key obligations on price stabilization and food security and correspondingly strengthen the dominance of big rice business in the grain markets,” paliwanag ni Sanchez.

Nagpulong ang mga kinatawan ng NFA, NFAEA, Department of Agriculture, House Committee on Agriculture and Food at Committee on Government Enterprises sa naturang tanggapan para pag-usapan ang kalagayan ng NFA sa Kabisayaan.

Tutol ang mga magsasaka ng Panay at Guimaras na buung-buong ipasa sa pribadong sektor ang pagsusuplay at pangangasiwa sa suplay ng bigas sa bansa. (Arkibong Bayan)
Tutol ang mga magsasaka ng Panay at Guimaras na buung-buong ipasa sa pribadong sektor ang pagsusuplay at pangangasiwa sa suplay ng bigas sa bansa. (Arkibong Bayan)

Ipinaliwanag ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano na ang decoupling ng NFA ay itinutulak ng pandaigdigang mga institusyong pampinansiya tulad ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank — mga institusyong dinodominahan at mistulang kontrolado ng gobyernong US.

The people should remain vigilant against the anti-people policies as dictated by the IMF-World Bank, together with the Asian Development Bank,” sabi ni Mariano.

Sa pampublikong pagdinig sa hapon, inihayag ng mga kinatawan ng mga grupong pangmagsasaka, kooperatiba, rice millers, rice retaillers at iba pang mga asosasyon at konsiyumer ang kanilang pagtutol sa pagsasapribado ng NFA at sa “decoupling” ng mga tungkulin nito.

Sinabi naman ni Chavez na marapat na suportahan ang alternatibong mga panukalang batas na naglalayong seguruhin ang pagkain sa bansa, tulad ng House Bills 374 (Genuine Agrarian Reform Bill) at House Bill 3105 (Rice Industry Development Act).

Sinuportahan din ng Pamanggas ang paninindigan ng NFAEA na mantinihin ang P8-Bilyong subsidyo ng pambansang gobyerno sa NFA.

Nanawagan din ang naturang grupo ng karagdagang P15-B para sa pagbili ng palay sa mga magsasaka, para masiguro umano ang murang bigas sa malawak na bilang ng mga mamamayan.