‘Mary Jane Veloso, inosente’
Inosente si Mary Jane. Ito ang pahayag ni Cristina Sergio (ang di umano’y g ilegal rekruter ni Mary Jane) sa kanyang sinupaang counter-affidavit sa preliminary investigation sa Department of Justice kaugnay ng kaso ni Mary Jane. Walang alam si Mary Jane na may lamang ilegal na droga ang bagaheng ipinadala sa kaniya ng dalawa lalaking nakilala […]


Inosente si Mary Jane.
Ito ang pahayag ni Cristina Sergio (ang di umano’y g ilegal rekruter ni Mary Jane) sa kanyang sinupaang counter-affidavit sa preliminary investigation sa Department of Justice kaugnay ng kaso ni Mary Jane.
Walang alam si Mary Jane na may lamang ilegal na droga ang bagaheng ipinadala sa kaniya ng dalawa lalaking nakilala nila na may mga pangalang “Ike” at “John” sa Malaysia, ayon sa 32-pahinang counter-affidavit ni Sergio.
Ayon kay Edre Olalia, abogado ng pamilya Veloso mula National Union of People’s Lawyers, ito ang katotohanang matagal na nilang hinihintay at isang positibong pangyayari sa kaso ni Mary Jane.
“Yet, we will traverse Sergio ‘s self-serving version of the surrounding circumstances to cover her own complicity. We will file reply-affidavits to reiterate the whole unembellished facts as they are. Additionally, we shall contest the inexplicable vilification she made against Mary Jane’s family,” ani Olalia.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan nila Olalia sa kanilang Indonesian counterparts para makapagsagawa ng tama at nararapat na hakbang sa bahagi ng mga abogadong Indonesian sa itinatakbo ng sitwasyon.
“All these with the end in view of pursuing in earnest to make Mary Jane’s reprieve permanent and to bring an innocent victim home eventually to her two little boys,” ayon kay Olalia.
Nasentensiyahan ng bitay si Mary Jane matapos mahulihan ng 2.6 kilo ng ilegal na drogang heroin sa kanyang maleta pagkadating niya sa Yojakarta, Indonesia galing Malaysia noong 2010.
Nakatakda siyang bitayin noong Abril 28 pero nagawang ipagpaliban ang pagbitay sa kaniya ilang sandalibago ang takdang oras ng pagbitay.
Binigyan siya ng pagkakataong mapatunayan ang pagiging inosente niya sa kaso. Umaasa na ang pag-amin na inosente siya sa kasong drug trafficking ang magpapauwi sa kanya ng buhay sa Pilipinas.