Sobrang konsultant, naglalakihang suweldo aaksiyunan ni Maza sa NAPC


Naglilinis sa bakuran ng National Anti-Poverty Commission si Sec. Liza Maza, isang linggo matapos mag-isyu si Presidente Duterte ng Executive Order na lisanin na ng lahat ng appointees ng nakaraang administrasyon ang kanilang katungkulan sa gobyerno.

Sec. Maza, kinapanayam sa midya/ <b>James Reid<b>
Sec. Maza, kinapanayam sa midya

Naglilinis sa bakuran ng National Anti-Poverty Commission si Sec. Liza Maza, isang linggo matapos mag-isyu si Presidente Duterte ng Executive Order na lisanin na ng lahat ng appointees ng nakaraang administrasyon ang kanilang katungkulan sa gobyerno.

Sa dalawang buwan nito sa NAPC, inaral umano ni Maza ang istruktura, operasyon at mga programa ng dating kinatawan nito na si Joel Rocamora sa ilalim ng administrasyong Aquino.

“Natuklasan kong napakaraming consultants at contract of service na kinuha, triple ng laki ng regular na bilang na mayroon ang ahensiya. Para saan at paano ito nangyari sa isang maliit lamang na ahensya?” tanong ni Maza.

Halos may 155 konsultant at 82 COS ang nasa ahensiya na kumukuha ng iba’t ibang suweldo at tumatanggap ng buwanan o kaya “by tranche“.

May kumukuha ang mga konsultant ng P25,000 sa pinakamababa at P540,000 sa pinakamataas , na humigit-kumulang umaabot sa P5.8-Milyon kada buwan.

Diyalogo kay Sek. Maza sa NAPC. <b>Kontribusyon</b>
Diyalogo kay Sek. Maza sa NAPC. Kontribusyon

Ang kabuuang binabayad sa ‘consultants’ taong 2016 lamang ay umaabot ng P43. 5-M na lumalabas 36 porsiyento ng taunang badyet ng NAPC.

Dagdag ni Maza, “Isang malaking kalokohan ito at insulto sa tunay na mandato ng ahensiya para sa interes ng mga kababayan nating naghihirap.”

Setyembre 2 naglabas ng dalawang memo si Maza. Ang una’y patungkol sa kanselasyon ng kontrata sa consultants at ang terminasyon ng kontrata ng walang anumang ekstensiyon sa mga ‘contract of service‘.

Ngunit hinikayat ang mga terminadong empleyado na muling mag-aplay kung nanaisin nila matapos na dumaan sa isang ebalwasyon.

“Balak ko din gawing regular ang kotraktwal na mga empleyadong nanatili at nagsilbi sa loob ng gobyerno ng matagal na panahon,” mariing pagtatapos ni Maza.