ACT: Mag-hire ng mga bagong guro, paliitin ang class size

July 15, 2022

Muling nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) sa Department of Education (DepEd) na mag-hire ng mas maraming mga guro at bawasan ang bilang ng mga mag-aaral sa isang klase upang matiyak ang kaligtasan mula sa Covid-19 sa pagbubukas ng klase.


“As of February 2021, there were more than 26,000 unfilled teaching items in the Department of Education (DepEd) while there is a provision in the 2022 General Appropriarions Act for 10,000 new teaching items. Ano na ang status ng filling up nito? Marami kaming nakukuhang reklamo ng teacher applicants na taon ang hinihintay bago sila ma-rank o mabigyan ng assignment,” sabi ni ACT Chairperson Vladimer Quetua.


Dagdag ni Quetua na kailangang mag-hire ng mas maraming guro ang DepEd upang mabawasan ang bilang ng mga mag-aaral sa isang klase. Wika niya, umaabot ng 70 ang mga estudyante sa isang silid-aralan sa Metro Manila at kailangang ibaba ito sa 35 upang matiyak na ligtas ang mga guro at estudyante mula sa sakit.