Video: Prop. Tinio ng ACT, pinaratangan ni Palparan na ‘komunista,’ Melissa Roxas inakusahang ‘NPA’ ng heneral


Noong Sabado, Hulyo 25, 2009, nagsagawa ng press conference ang Alliance of Concerned Teachers. Sa nalalapit na restawran, nagsagawa rin ng presscon ang anti-komunistang party-list na Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD) ni Jun Alcover at Bantay ni dating heneral Jovito Palparan. Ang bidyo, kinuha ni Prop. Sarah Raymundo ng Congress of Teachers and Educators […]

Noong Sabado, Hulyo 25, 2009, nagsagawa ng press conference ang Alliance of Concerned Teachers. Sa nalalapit na restawran, nagsagawa rin ng presscon ang anti-komunistang party-list na Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD) ni Jun Alcover at Bantay ni dating heneral Jovito Palparan.

Ang bidyo, kinuha ni Prop. Sarah Raymundo ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy-UP (Contend-UP), ay nagpapakita ng presscon ng ANAD at Bantay at pagtatanong ni Prop. Antonio Tinio, tagapangulo ng ACT, sa dalawang anti-komunista. Binansagan ni Palparan si Tinio na “komunista.”

Ang presscon nina Palparan ay tungkol sa dinukot at tinortyur na Pilipino-Amerikano na si Melissa Roxas. Inakusahan nina Palparan at Alcover si Roxas na “miyembro ng New People’s Army.” Na para bagang makatwiran na siyang itortyur kung totoo mang rebelde siya.

Narito ang isa pang bahagi ng presscon nina Palparan, mula sa bidyo ni Prop. Raymundo: