Mamamayan kontra Cha-cha sa EDSA
Sa ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power, patuloy ang panawagan ng mamamayan para sa pagtataguyod ng karapatang pantao, paglaban sa tangkang Cha-cha ng mga burukrata kapitalista at pagbawi sa soberanya ng bansa.
Sa mata ng mamamayang Pilipino, ang Charter change (Cha-cha) ay isang hakbang ng administrasyong Marcos Jr. para sa higit na kontrol sa kapangyarihan at poder. Namimihasa ang mga tagapagtaguyod nito sa paggamit ng naratibo na ang iminumungkahing pagbabago sa mga probisyon ng Konstitusyong 1987 ay para umano sa kagalingan ng bayan.
Malayo pa tayo sa pagkakamit sa mga pangako at layunin ng pag-aaklas sa EDSA. Napalitan lamang ng panibagong mukha ang pamahalaan noong 1987 subalit ang mga suliranin at problema ng mamamayan ay nananatili at lalong lumulubha.
May puna sa ating Konstitusyon subalit hindi lamang ito ang ugat ng ating paghihirap bagkus ang kontrol at monopolyo sa mayamang likas-yaman at serbisyo publiko ng dayuhan at lokal na burukrata. Paghahari ng mga panginoong maylupa sa kanayunan at bansot na pambansang industriya.