4 na tanggol-kalikasan, inaresto sa unang araw ng Asean Summit


Kasama sa panawagan ng grupo na gawan ng aksiyon ng mga miyembro ng Asean na itigil na ang paggamit sa fossil fuels at paggawa ng single-use plastic na nagdudulot ng plastic pollution sa rehiyon.

Arestado ang apat na tanggol-kalikasan ng Greenpeace Philippines matapos salubungin ng silent protest ang unang araw ng pagtitipon ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) sa Cebu City sa para manawagan sa mga lider ng Timog Silangang Asya na umaksiyon sa lumalalang isyu ng climate crisis.

Ayon kay Greenpeace Philippines campaigner Marian Ledesma, isasagawa pa lang ng grupo ang kanilang programa matapos silang harangan ng mga pulis at nang-arsto ng kanilang mga kasamahan dahil umano sa paglababag sa ilalim ng Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985, isang batas na mula pa noong panahon ng diktadura.

Kasama sa panawagan ng grupo na gawan ng aksiyon ng mga miyembro ng Asean na itigil ang paggawa ng single-use plastic na nagdudulot ng plastic pollution sa rehiyon.

Nananawagan din ang grupo na panagutin ang mga corporate polluter at mga opisyal sa gobyerno na nagpapalago ng fossil fuel sa mga bansa sa rehiyon na nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan.

Pag-aresto ng pulisya sa mga nagprotestang tanggol-kalikasan sa Asean Summit sa Cebu. Ivan Joeseff Guiwanon/Greenpeace Philippines

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Asean Summit na hindi dapat gumamit o umasa ang PIlipinas sa fossil fuels.

Ayon sa Greenpeace Philippines, isang nakababahalang kontradiksiyon na sa Cebu City ginaganap ang summit mapatapos ang trahedya sa Binaliw landfill noong Ene. 8 na kumitil sa nasa 39 na katao dahil sa plastic waste crisis sa rehiyon.

“Ang mga komunidad sa Southeast Asia ay hindi nangangailangan ng mga talumpati na umiiwas sa ugat na sanhi ng mga krisis,” sabi ng grupo.

Kailangan anila ng agarang aksiyon laban sa pagsandig sa fossil fuels, pagbabawas ng produksiyon ng plastik, pagpapanagot sa mga corporate polluter at pagpapalakas sa just transition tungo sa renewable energy at reuse-based systems.

Nakapagpiyansa naman ang apat na inaresto noong Mayo 9 sa pagkakadetine sa Lapu-Lapu Police Station 2.