Kinuwento ni Atty. Evalyn Ursua kung paano ipinagkanulo diumano ng gobyernong Arroyo ang kaso ng biktima ng gahasa na si Nicole para ipreserba ang di-pantay na relasyon ng gobyernong RP at US. Isa si Ursua sa mga nagsalita. Tinalakay ni Emmi de Jesus (kanan), pangkalahatang kalihim ng Gabriela, ang rekord ng militar ng US at seksuwal na mga pang-aabuso sa kung saan namamalagi ito. Reactor naman sa bahagi ng midya si Rina Jimenez David. Ginanap ang porum na inisponsor ng Gabriela at National Council of Churches of the Philippines (NCCP) sa NCCP Conference Hall sa Quezon City noong Mayo 15. (KR Guda)
Inireklamo ng mga lider-kababaihan si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay sa House Ethics Committee dahil sa mga bastos na pananalita ng mambabatas sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Kinondena ng Gabriela at iba pang grupo ang mga magkakasunod na insidente ng pampolitikang panliligalig sa kanilang mga lider-kababaihan at miyembro sa Cebu at Caloocan City.
Nakalaya na si Jane Alfabete ng Gabriela Camanava matapos ilegal na arestuhin sa kasagsagan ng demolisyon sa Navotas City. Ibinasura rin ang mga kasong trespassing at direct assault na isinampa sa kanya.
Nagdiwang ng ika-16 na taon ang Gabriela Hong Kong bitbit ang panawagan laban sa mga isyung kinahaharap ng kababaihan sa loob at labas ng Pilipinas kabilang ang kahirapan, karahasan, korupsiyon at impunidad.