Larawan: Pagbasura sa ekstensiyon ng RP-US Military Bases Agreement ginunita sa protesta

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ginunita ng mga militante sa pamamagitan ng protesta sa harap ng embahada ng US ang pagbasura sa pagpapalawig ng RP-US Military Bases Agreement. Sa ilalim ng kasunduang ito, nagmantine ang militar ng US ng tiyak na mga baseng militar sa Clark, Pampanga at Sublic, Zambales. Taong 1991 nang ibasura ng Senado, sa botong 12-11, ang pagpapalawig sa implementasyon ng naturang kasunduan. (Macky Macaspac)

Pinangunahan ng Bayan at iba pang alyadong organisasyon at personalidad ang kampanya para sa pagbabasura ng baseng militar ng US sa bansa noong 1991. Sunud-sunod na mga kilos-protesta ang inilunsad ng mga militante para bigyang presyur ang gobyerno ni Corazon Aquino, gayundin ang mga senador, para pumabor sa pagbabasura sa baseng militar. Ngunit samantalang masugid na tagasuporta ng presensiya ng tropang Kano sa Pilipinas si Cory Aquino, nahikayat naman ang Senado na ibasura ito. (Macky Macaspac)

Kinatawan ng mga baseng militar ng US sa Pilipinas noon ang mala-kolonyal at di-pantay na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. (Macky Macaspac)

Matapos mabasura ang baseng militar ng US, di nagtagal ay nagpatuloy pa rin ang presensiya ng militar ng US sa Pilipinas. Taong 1998 nang lagdaan ng Senado, sa panahon ng panunungkulan ni Pang. Joseph Estrada, ang RP-US Visiting Forces Agreement. Sa kasunduang ito, bagamat di na maaaring makapagbaseng militar ang US sa bansa ay pinapayagan silang pana-panahong makapagdaong, magpahinga, pansamantalang magbase, at makapaglunsad ng mga ehersisyong militar. Para sa Bayan, mas malupit ang kasunduang ito kaysa iyung kasunduan sa baseng militar ng US sa Pilipinas.  (Macky Macaspac)

Tulad noong panahon ng baseng militar ng US sa bansa, patuloy na pinoprotektahan ng msa pulis na Pilipino ang mga kalsadang karatig ng embahada ng US sa Roxas Boulevard, Manila. (Macky Macaspac)

Patuloy na nananawagan ang mga militante ng pagpapalayas sa bansa ng mga tropang Kano. (Macky Macaspac)

Para sa mga kababaihan ng Gabriela, ibayong pagsasalamantala at pang-aapi sa kanilang hanay lamang ang dala ng mga tropang Kano sa bansa. (Macky Macaspac)

Tulad ng kanyang inang si Cory Aquino, binabatikos din ng mga militante si Pang. Benigno Aquino III dahil sa "pagkatuta" diumano nito sa dikta ng gobyernong US, sa ekonomiya at pulitika ng bansa. (Macky Macaspac)