Larawan: Kababaihan, nakiisa sa manggagagawa ng PAL kontra kontraktuwalisasyon


Halos 30 kababaihang manggagawa ng Kilusang Mayo Uno, nagdaos ng piket sa Quezon Ave. ngayong hapon para kondenahin ang kontraktuwalisasyon sa paggawa. Nagpahayag sila ng suporta sa mga manggagawa ng Philippine Airlines na apektado sa tanggalan at kontraktuwalisasyon sa pamamagitan ng iskemang outsourcing. "Pinaiigting namin ang aming kampanya laban sa kontraktuwalisasyon, na lalong umiigting sa ilalim ng gobyernong Aquino," ani Nitz Gonzaga, vice-chaiperson for women affairs ng KMU. Nagpunit sila ng dummy employment contracts bilang simbolo ng protesta. (Ilang-Ilang Quijano)