Kababaihan

Umaga ng araw ng kababaihan: Oil Depot, muling kinalampag ng kababaihan ng Gabriela

Nag-ingay ang kababaihan ng Gabriela sa oil depot sa Pandacan, Manila kung saan matatagpuan ang mga reserbang langis ng dambuhalang oil companies. Kinondena nila ang walang habas na taas-presyo ng langis, pinakahuli ngayong linggo. Ito rin ang panimulang protesta ng Gabriela sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, Marso 8. (KR Guda)

Binato nila ng sirang gulay, bulok na kamatis, at itlog na may lamang pulang pintura, ang mga simbolo ng Shell, Caltex at Petron. Ang naturang mga kompanya ng langis ang tinaguriang Big Three na tumatayo umanong kartel na nagmamanipula ng presyo ng langis at nagpapatong ng overpricing, ayon sa Gabriela. Pati ang mga pulis, na tumayo sa likod ng naturang mga simbolo ay tinamaan ng pintura. (KR Guda)

Pati ang mga tangke ng langis na dumaan sa harap ng protesta ay pinagbabati ng kababaihan ng mga kamatis. (KR Guda)

Makikita sa repleksiyon ng helmet ng pulis ang protesta ng Gabriela sa oil depot. (KR Guda)