Regional Wage Board inisyuhan ng ‘closure order’ ng mga manggagawa

Nagmartsa patungo sa opisina ng Metro Manila Wage Board ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para simbolikong magpaskil ng notice of closure sa ahensiyang diumano’y instrumento lamang nga mga malalaking kapitalista sa pambabarat sa sahod ng mga manggagawa. Kinondena din ng grupo ang pagtutol ng ahensiya na kilalanin ang magkakasunod na […]

Patuloy ang panawagan ng mga manggagawa at ibang sektor na kailangan magbigay ng makabuluhang dagdag sahod ang gobyernong Aquino. Kuha ang larawan sa piket ng KMU at Anakpawis Party-list sa harapan ng Department of Labor and Employment sa Intramuros, Manila. (Macky Macaspac/PW File Photo)

Nagmartsa patungo sa opisina ng Metro Manila Wage Board ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para simbolikong magpaskil ng notice of closure sa ahensiyang diumano’y instrumento lamang nga mga malalaking kapitalista sa pambabarat sa sahod ng mga manggagawa.

Kinondena din ng grupo ang pagtutol ng ahensiya na kilalanin ang magkakasunod na pagtaas ng presyo ng langis bilang “supervening event.”

Ibinigay na halimbawa ng grupo ang pag-aaral ng Ibon Foundation na nagpapakita na bagamat tumaas nang 45 porsiyento ang  sahod mula 2001 hanggang 2011, tumaas naman ang presyo ng mga bilihin ng  65 prosiyento sa parehong panahon.

“Ginamit na lahat ng regional wage board ang lahat ng dahilan upang tanggihan ang dagdag-sahod,” sabi ni Leandro Gerodias, panglawang pangkalahatang kalihim ng KMU at pangulo ng Association of Democratic Labor Organizations (ADLO).

Sinabi pa ni Gerodias na sa loob ng 20 taon na pagkakaroon ng wage board , hindi umano ito nagbigay ng makabuluhang dagdag-sahod sa mg manggagawa, “sila ang ahensiya na dapat nag-aasikaso sa pagtaas ng sahod ng manggagawa  pero ang nangyayari sila ang nagiging instrumento ng mga kapitalista upang paliitin at mawalan ng saysay ang tunay na halaga ng aming sahod.”

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, madalas na ikinakawing ng wage board sa inflation ang anumang dagdag-sahod na ayon sa lider-manggagawa ay isang kalokohan.

“Kung susukatin natin sa loob ng mga nagdaang taon, walang hanggan ang pagtaas ng inflation rate. Mas mabilis pa ito sa pagtaas ng sahod,” sabi ni Gerodias.

Ayon pa kay Gerodias, kahit ang datos ng  National Wages and Productivity Commission, nagpapakita na P36 ang pinakamataas na naibigay ng ahensiya.

Nanawagan ang mga manggagawa ng pagsasabatas ng panukalang batasa na P125 na dagdag sa kanilang sahod. (Macky Macaspac/PW File Photo)
Nanawagan ang mga manggagawa ng pagsasabatas ng panukalang batasa na P125 na dagdag sa kanilang sahod. (Macky Macaspac/PW File Photo)

“Ang kagyat na kailangan ng mga manggagawa  ay hindi kakarampot na sahod dapat ito ay makabuluhang dagdag-sahod,” dagdag pa ni Gerodias.  Pero duda ang lider-manggagawa sa kakayanan ng wage board na ibigay ang kanilang kahilingan,  mas nararapat umanong buwagin  na lamang ang ahensiya.

Dahil na rin sa diumano’y nakakadismayang pagtupad ng wage board sa kanyang tungkulin, nananawagan ang KMU ng agarang pagsabatas ng panukalang P125 across the wage board sa Kongreso. Sa pagsasabatas lang umano makakatanggap ng makabuluhang dagdag sahod ang mga manggagawa.

“Nanawagan kami sa mga mambabatas na suportahan at isabatas ang  P125 Wage Hike Bill,” sabi ni Gerodias.