Maralitang Lungsod

PNoy pinrotesta ng mga tutol sa pagsasapribado sa Heart Center

Isang araw matapos ang Araw ng mga Puso, dinagsa ng iba’t ibang organisasyon ang harap ng Philippine Heart Center sa Quezon City para iprotesta ang pagbisita ni Pang. Benigno Aquino III. Para sa mga nagrali noong Pebrero 15, tila “walang puso” si Aquino na nagpaplanong isapribado ang iba’t ibang pampublikong ospital kabilang ang Heart Center. […]

Si Geneve Rivera-Reyes, (gitna) doktor at pangkalahatang kalihim ng Health Alliance for Democracy o Head, habang gumigiit na magprotesta sa harap ng Philippine Heart Center kontra sa pagsasapribado nito. (Pher Pasion)

Isang araw matapos ang Araw ng mga Puso, dinagsa ng iba’t ibang organisasyon ang harap ng Philippine Heart Center sa Quezon City para iprotesta ang pagbisita ni Pang. Benigno Aquino III.

Para sa mga nagrali noong Pebrero 15, tila “walang puso” si Aquino na nagpaplanong isapribado ang iba’t ibang pampublikong ospital kabilang ang Heart Center.

Tutol ang mga maralita sa pagsasapribado sa pampublikong mga ospital dahil lalo umano silang mawawalan ng akses sa mga serbisyong medikal. Sa ngayon, hirap na nga silang makaakses sa mga pasilidad ng mga pampublikong ospital tulad ng Philippine Heart Center. (Pher Pasion)

Kasama sa mga nagprotesta ang mga manggagawang pangkalusugan mula sa Health Alliance for Democracy (HEAD), Alliance of Health Workers, mga kawani ng gobyerno, mga kabataan ng Kabataan Party-list at mga maralitang lungsod sa ilalim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay.

Nakatakdang isailalim sa Public-Private Partnership ang 26 na ospital sa buong Pilipinas. Pinangangambahan ng mga organisasyon ng mga kawani ng ospital at iba pang sektor na lalong di magiging abot-kaya sa mahihirap ang serbisyong pangkalusugan kung hahawakan na ito ng mga negosyante.

“Matagal nang panahon na hindi sumasagot si (Aquino) sa ating panawagan para itigil ang pribatisasyon, kaya patuloy itong pinatutupad ni Sec. (Enrique) Ona ng DOH,” ayon kay Robert Mendoza, pangkalahatang kalihim ng Alliance of Health Workers.

Sa Heart Center pa lamang, hindi na raw maabot ng mga mamamayan ang serbisyo nito sa kasalukuyan. Nasa P300,000 ang kakailanganin ng isang pasyente sa charity ward pa lamang para maoperahan, ayon kay Geneve Rivera-Reyes, isang doktor at pangkalahatang kalihim ng HEAD.

Nagkaroon ng mahabang giriian sa pagitan ng mga pulis at mga nagpoprotesta noong araw na iyon. Itinulak ng mga pulis sa harapan ng Heart Center ang mga nagpoprotesta na mapayapang nagpoprograma.

“Itong presidenteng pinoprotektahan ninyo, hindi niya pinoprotektahan ang mga mamamayan niya. Ang mga pinoprotektahan niya, mga negosyanteng gustong kumita kapag nandiyan na sila sa publikong mga ospital namin,” salita ni Reyes sa mga pulis na nakagirian nila.

Hindi umano ang pagtangkang pagpasok ang pinunta nila sa Heart Center. Gusto lang raw nilang magpahayag nang mapayapa para tutulan ang pribatisasyon at epekto nito sa mga mamamayan gaya ng pagtataas ng singil sa serbisyo, ani Reyes.

“Mapayapa naman kaming naglulunsad ng programa, pero kitang kita naman natin na itinutulak nila ang mga kapwa pulis upang gipitin ang mga nagpoprotesta,” ayon kay Emma Manuel, president emeritus ng AHW.