Inindorso ni Sen. Francis "Chiz" Escudero ang mga kandidato sa pagkasenador ng Nationalista Party at Makabayan na sina Satur Ocampo at Liza Maza, sa isang programang idinaos sa harap ng bantayog ng dakilang lider-obrero na si Crispin "Ka Bel" Beltran ngayong Mayo 1, araw ng paggawa. Ikalawa mula sa kaliwa si Osang Beltran, biyuda ng lider-obrero. (Karl Ramirez/Kodao)
Pinatutunayan nitong malakarnabal na mga pangyayari sa Senado ang palsipikadong retorika na hindi naiimpluwensiyahan ang mataas na kapulungan sa anumang eksternal na presyur, partikular ng pangulong sabik sa pandarambong at kapangyarihan.
Tumampok sila noong taong 2009: Mga indibidwal, grupo, kilos-protesta, batas, o produktong pangkultura, na mga lumahok at nag-ambag ng natatanging kontribusyon sa iba't ibang larangan sa pagsusulong ng progresibong pagbabago.
Isa sa natatanging positibong mga kaganapan ang paglahok ng mga progresibo, o ang tinaguriang Kaliwa, sa halalang 2010. Sa kabila ng karahasan, ng karambola sa pulitika ng mga trapo, at ng pagpupumilit ng kasalukuyang rehimen na manatili sa poder – tila may aasahang mabuti sa halalan ang bayan.
Palapit na nang palapit ang halalang 2010. Kabi-kabila na ang paghahanda ng iba’t ibang partido politikal at mga indibiduwal na nais maging sunod na pangulo ng bansa. Ngunit sa pagkakataong ito, ano nga ba ang mananaig: rekurso’t personalidad pa rin ba o platapormang nakabatay sa kahilingan ng taumbayan?