"Huwad na Kalayaan" ang mensahe ng iba't ibang progresibong grupo na nagdaos ng parada noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan. Alternatibo ito sa P10-Milyong parada ni Pangulong Arroyo para ipagmalaki ang umano'y mga nakamit ng kanyang administrasyon. Mula sa US embassy, kung saan sinunog ng mga grupo ang watawat ng Estados Unidos bilang simbolo ng neo-kolonyal na relasyon nito sa bansa, nagtungo silang Mendiola. (King Catoy) Bitbit ng mga lider ang mga plakard at streamer kung saan nakasaad ang adyenda ng taumbayan kay president-elect Benigno "Noynoy" Aquino III. Pangunahin dito ang pagpapanagot kay Arroyo sa kanyang mga krimen. (King Catoy) Ayon sa Kilusang Mayo Uno, kabilang din sa mga krimen ni Arroyo ang pagpako sa sahod, malawakang tanggalan at kontraktuwalisasyon, at ekstra-hudisyal na pamamaslang sa mga manggagawa.Sa "float" na ito ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), isinasalarawan ang kahirapan ng milyun-milyong pamilyang Pilipino. Tanda umano ito ng pagiging hungkag ng "magandang ekonomiyang" ipinagmamalaki ni Arroyo. (King Catoy)Ginamit ng mga kabataan ang pagkakataon para iparating ang malalala ring problema ng edukasyon. (King Catoy)
Sa loob ng mahigit 100 taon, hindi binitawan ng US ang Pilipinas at patunay dito ang patuloy na panghihimasok ng US sa usapin at gawaing militar ng Pilipinas.
Kalakhan sa atin, wala pang muwang o hindi pa buhay noong panahon ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Hindi na natin nadatnan ang mga sundalong Amerikano na nakahimpil sa Clark Air Base at Subic Bay Naval Complex. Hindi na natin masaksihan kung paano malagay sa panganib ang ating bansa sa mga giyerang […]
Ano ba ang ipinagdiwang natin noong Hunyo 12? Independence Day o In Dependence Day? Ang nangyari sa araw na iyon noong 1898 ay malinaw naman. Binasa sa Kawit, Cavite ang isang deklarasyon ng kalayaan na nakasulat sa wikang Kastila. Sa deklarasyong iyon, kinilala ang “kabutihan” ng Estados Unidos. Sa sobra ngang pagpupugay sa Estados Unidos […]