Nagsabit ng dilaw na mga ribbon ang mga miyembro ng Gabriela, militanteng alyansang pangkababaihan, sa harap ng tahanan ni Pres.-elect Benigno "Noynoy" Aquino III para hilingin ang pagpaparusa kay Pang. Arroyo at pagpapalaya sa mga detinidong pulitikal, laluna mga babaing detinidong pulitikal. (Maki Macaspac)
Inireklamo ng mga lider-kababaihan si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay sa House Ethics Committee dahil sa mga bastos na pananalita ng mambabatas sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Kinondena ng Gabriela at iba pang grupo ang mga magkakasunod na insidente ng pampolitikang panliligalig sa kanilang mga lider-kababaihan at miyembro sa Cebu at Caloocan City.
Nakalaya na si Jane Alfabete ng Gabriela Camanava matapos ilegal na arestuhin sa kasagsagan ng demolisyon sa Navotas City. Ibinasura rin ang mga kasong trespassing at direct assault na isinampa sa kanya.
Nagdiwang ng ika-16 na taon ang Gabriela Hong Kong bitbit ang panawagan laban sa mga isyung kinahaharap ng kababaihan sa loob at labas ng Pilipinas kabilang ang kahirapan, karahasan, korupsiyon at impunidad.