Mga Larawan: Rampa’t protesta sa Batasan Pambansa
Sa loob ng Batasan Pambansa kung saan nagtalumpati si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, rumampa ang mga personalidad. Pati ang militanteng kongresista, rumampa rin — siyempre, dala ang mga panawagan ng mga mamamayan.


Dumating din ang bagong kongresista ng Sarangani, si Rep. Manny Pacquiao. (Boy Bagwis) 
Rumampa rin ang sanay na sa rampa: si Rep. Lucy Torres-Gomez at ang kanyang chief-of-staff at asawa, si Richard Gomez. (Boy Bagwis) 
Rumampa rin papasok ng Session Hall ang militanteng mga kongresista, kabilang si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, na nagkabit ng panawagang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa kanyang barong. (Boy Bagwis) 
Kapayapaan sa Mindanao at pagbasura sa Visiting Forces Agreement ang mensahe ng pamaypay ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. (Boy Bagwis) 
"Tunay na kalagayan ng bayan" ang pahiwatig ng damit ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus, na pininta pa sa kamay ang disenyo. Pagtigil naman sa pampulitikang pamamaslang ang mensahe ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino. (Boy Bagwis) 
May dalang salakot si Anakpawis Rep. Rafael Mariano na nananawagan ng tunay na repormang agraryo. (Boy Bagwis)
