Marahas na pagbuwag ng kilos-protesta ng kabataan kinondena ng mambabatas
Kinondena ni Kabataan Rep. Raymond Palatino ang marahas na pagbubuwag ng kilos-protesta ng ilang kabataan noong Setyembre 23 sa House of Representatives.

Kinondena ni Kabataan Rep. Raymond Palatino ang marahas na pagbubuwag ng kilos-protesta ng ilang kabataan noong Setyembre 23 sa House of Representatives.
“The violence of last Thursday’s protest was no different from other violent youth dispersal. Just last month, almost 50 students were also violently dispersed at DepEd (Department of Education). Be it minors or not, it is very troubling that the youth who are struggling for their basic rights are being pacified through forceful means,” reaksiyon ni Palatino.
Tinungo at pinasok ng mga kabataan ang tarangkahan ng House of Representatives upang ihayag ang kanilang protesta laban sa pagbabawas ng badyet sa edukasyon at ang pagdaragdag ng dalawang taon sa mababang edukasyon kaugnay ng pagdinig ng badyet para sa DepEd sa Kamara.
Ngunit hinarap sila ng security personnel ng Kamara, at umareglong umalis upang hindi na magkaroon ng iba pang kaganapan. Ngunit marahas pa rin silang pinaalis kahit payapa nang nililisan ang Batasan. Nagulat pa ang ilan na sila’y pinagsisipa at pinagsisikmurahan pa.
Noong Agosto 20, tumungo rin ang isang grupo ng mga mag-aaral na hayskul sa gusali ng DepEd upang magsaawa rin ng kilos-protesta.
Iginiit ng batang mambabatas na repasuhin ng bagong pamahalaan ang protocol nito sa mga kilos-protesta, laluna sa mga isinasagawa ng kabataan.
“If they’re truly different from the previous administration, the new government should review its protocol when handling protesting students. Dispersals such as this should never happen again,” saad ni Palatino.
Nagpasa ang kabataang kongresista ng House Resolution No. 272 na kumokondena sa nangyaring marahas na pagbuwag ng protesta ng mga mag-aaral ng hayskul noong Agosto 20.