by PW Admin
September 11, 2022
Palagi, nagsisimula ang pagkilala kay Nelia bilang “beauty queen turned activist.” Ang tatak beauty queen ay nakaukit na sa imahe niya pero kung titingnan ang buong buhay niya , she had chosen to make a turn 380-degrees away from the beauty queen archetype. Mula sa mga kosang dinala niya, mga organisasyong sinalihan at pinamunuan niya at personal at pribadong buhay na tinahak niya na simple, ‘di glamoroso at laging dikit sa masa at komunidad, pinakita ni Nelia kung paano gawing mas makabuluhan ang buhay niya.